• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Pakilala mo sakin’: Ethel Booba, hinamon ang isang netizen para ipakita ang admin ng kanyang parody Twitter account

‘Pakilala mo sakin’: Ethel Booba, hinamon ang isang netizen para ipakita ang admin ng kanyang parody Twitter account

Hangad ni Ethel Booba na matigil na ang patutsada sa kanya ng netizen.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/24/2020 7:55 PM
‘Pakilala mo sakin’: Ethel Booba, hinamon ang isang netizen para ipakita ang admin ng kanyang parody Twitter account


Photo credit: @ethelbooba IG

“Pakilala mo sakin dali di ako madamot baka kilala mo ako mismo mag aabot sa kanya.”

Ito ang naging sagot ng komedyana na si Ethel Booba sa Twitter na tila hindi pa rin tinatantanan ng mga negatibong komento ngayon.

Kasunod ito ng tweet ng isang netizen na sinasabing dapat ibigay ni Ethel ang kita ng published book niya na #Charotism sa tunay na nag-isip ng mga tweet: ang admin ng parody account ng komedyana na @IAmEthylGabison na kilala na ngayon bilang @IamCharotism.

“Give @IamCharotism the just compensation he deserves for the book,” ani ng netizen.

Matatandaan na kamakailan lang, trending ang ang naging rebelasyon ni Ethel na hindi umano sa kaniya ang sikat na Twitter account na nakapangalan sa kanya na mayroong 1.6 million followers.

READ: Ethel Booba says popular Twitter account @IamEthylGabison is not her

Matatandaan rin na ang nilalaman ng published book ni Ethel na #Charotism ay mula sa compilation ng tweet gamit ang sinasabi ni Ethel na parody account niya.

Gamit ang kaniyang YouTube channel, inilahad ni Ethel ang mga rason niya kung bakit nag deisisyon siya na patigilin ang twitter account gamit ang kanyang pangalan.

“Kuhang-kuha niya ang pagsasalita ko. Natuwa naman ako kasi maganda naman, di naman nakaka-harm sa ibang tao. Puro mga quotes, nakakatawa,” paliwanag ni Ethel sa bahagi ng kaniyang YouTube video. Sinabi niyang hinayaan lamang niya umano na gamitin nito ang kaniyang pangalan dahil natutuwa siya sa mga tweet nito.

Dahil sa tila naging below the belt na banat ng twitter account na nakapangalan sa komedyana, nagdesisyon na umano si Ethel na aminin na ang totoo na gumulat sa follower ng social media account.

Kasunod ng pag amin ni Ethel, ang kabi-kabilang patutsada ng netizen laban sa kanya na agarang sinasagot ng komedyana na sinasabing opprtunista umano siya.

Buwelta ni Ethel “Teh Tao lang ako nagkakamali. Inaayos ko lang ang pagkakamaling ginawa ko kung may nadis appiont. Sorry sa kanila. Pero atleast nagsasabi ako ng totoo. Di ko kailangan ng kasikatan kung pagkatao ko naman ang niyuyurakan. O di ba im free. Happy na teh,” aniya sa tweet.

Sa ngayon, mas pinili ni Ethel na ituwid ang mga naging pagkakamali at nagsisimulang muli na ipakilala ang tunay na Ethel Booba gamit ang kaniyang personal na social media accounts.