WATCH: Aira Bermudez, binalikan ang iconic dance craze ng SexBomb Girls

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/24/2020 07:20 PM
WATCH: Aira Bermudez, binalikan ang iconic dance craze ng SexBomb Girls
Photo credits: @ Eira Bermudez Inovero Facebook video

Sa isang 4 minute and 40 second na Facebook video, muling binalikan ng isa sa mga original member ng SexBomb Dancer na si Aira Bermudez ang markadong dance hit na kanilang pinasikat.

Ilan sa mga sinayaw ni Aira ang choreograph dance moves nila sa hit song ni Tom Jones na “Sexbomb” at mga walang kupas na dance moves ng Sex Bomb girls tulad ng “Spaghetti”, “Bakit Papa”, “Halukay Ube” at “Daisy Siete” na isa sa naging matagumpay na programa noon ng SexBomb Girls.


Dahil sa throwback dance moves ni Aira, hindi naman naiwasan na mag reminisce ng ilang miyembro ng SexBomb Girls gaya ni SexBomb Johlan at SexBomb Cynthia.

 

 

Ang SexBomb Girls ay binuo ng kilalang choreographer na si Joy Cancio at maituturing na pinakamatagumpay na all female dance grupo na nakilala sa nooon time show na Eat Bulaga.