Vice Ganda at Marian Rivera, biktima ng fake social media accounts

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/21/2020 12:28 PM
Vice Ganda at Marian Rivera, biktima ng fake social media accounts
Photo credit: @praybeytbenjamin and @marianrivera IG

Ngayong panahon ng stay at home ng maraming Pilipino dahil sa COVID-19, may nagsusulputang fake account ng mga paborito nating personalidad.

Kabilang na dito ang pagsulpot ng mga fake social media account ng It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Sa post ng personal publicist ni Vice Ganda na si Chuck Gomez, humiling ito na maging alerto at mapanuri sa nagsulputan na pekeng Facebook account ng Kapamilya host.


Tulad ni Vice, isang panawagan din sa publiko ang pagsulpot din ng dumaraming pekeng Facebook account ng aktres at host na si Marian Rivera.

Sa post ng manager na si Rams David, pinaalalahanan nito ang mga fans ni Marian na mag-ingat sa mga manloloko gamit ang pangalan at picture ng kanilang idol sa social media.

Sa Panahon ng Krisis nakuha mo pang gumamit ng Pangalan at Mukha. Higit pa dun ay nanlolo ka pa ng kapwa. Wag naman kababayan, wag naman. Mag ingat po sa mga ganitong FAKE ACCOUNT. Salamat po. God bless us all” pahayag ng manager ni Marian