Sanib-puwersa ang 50 Pinoy Earth Day warriors na pinangungunahan ng iba’t-ibang personalidad mula sa iba’t ibang Iarangan at propesyon para sa 50th anniversary ng Earth Day sa darating na April 22, 2020.
Humaharap man sa krisis na COVID-19 ang Pilipinas at ang buong mundo ngayon, hindi pa rin naging hadlang ito para ipaalala ang pag-iingat para sa ating kalikasan.
Sa iisang hangarin ng Earth Day Network at PLDT-Smart Sustainability program na Gabay Kalikasan, nagpahayag ng kani-kanilang suporta ang mga bituin tulad nina Piolo Pascual, Dingdong Dantes at Iza Calzado.
Bukod kay Piolo, Dingdong at Iza, nagbahagi rin ng kanilang suporta sa kanilang efforts sa pangangalaga ng kalikasan sina 2017 Miss Earth Karen Ibasco, Jugs Jugueta, Joel Torre, Janine Gutierrez, Noel Cabangon, DOT Secretary Berna Romulo Puyat at ang child star na si Xia Vigor.
Miss Earth 2017 Karen Ibasco
Jugs Jugueta
Joel Torre
Xia Vigor
Janine Gutierrez
Noel Cabangon
DOT [Department of Tourism] Secretary Berna Romulo-Puyat
Para sa PLDT Chief Sustainability officer ng Gabay Kalikasan na si Chaye Cabal-Revilla, tuloy-tuloy ang kanilang efforts at pakikipag tulungan sa private at non-government organization para pangalagaan ang kalikasan.
Isa lamang ang Pilipinas sa mga bansang naki-bahagi sa worldwide Earth Day celebration.