• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila matagal-tagal pa ang hihintayin ng fans nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal bago matuloy ang kanilang reunion project.

Marvin Agustin at Jolina Magdangal, reunited sa video chat

Tila matagal-tagal pa ang hihintayin ng fans nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal bago matuloy ang kanilang reunion project.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/21/2020 02:00 PM
Marvin Agustin at Jolina Magdangal, reunited sa video chat
Screenshot from @marvinagustin IG

Kilig overload ang hatid sa mga fans nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal nang magkaroon sila ng live video kuwentuhan nitong Lunes ng hapon, April 20.

Dito, ilang katanungan mula sa netizens ang kanilang sinagot kabilang na kung matutuloy pa ba ang plano sana nilang reunion movie.

Tanong ng netizen na binasa ni Jolina: “Kailan magkakaroon ng sequel ang ‘Labs Kita, Okay Ka Lang’?"


“Hindi ko nga alam kung kailan e,” magiliw na tugon ni Jolina.

Dagdag ni Marvin: “Tapusin po muna natin ang COVID... Ang priority po muna natin ngayon ay mabuhay tayong lahat.”

Pagbibiro pa ng aktor, “Wag ho kayo mag-alala, puwede naman kaming mag IG-IG live, at gawin ang mga eksena."

courtesy @marvinagustin IG 

Matatandaan na 2018, umugong ang bali-balitang reunion project nina Marvin at Jolina.

READ: Balik tambalan ni Marvin -Jolina, matutuloy na nga ba?

Sa isang panayam din kay Jolina noong 2019, sinabi niyang imposible na matuloy ang kanilang plano na reunion movie na isasali sana sa 2019 Metro Manila Film Festival.

READ: Balik tambalan ni Marvin at Jolina, hindi muna matutuloy

"Yes dapat talaga mayroon kaming movie this year, and I think si Marvin kasi ang producer eh, tapos ang balak talaga ni Marvin ay gawin namin ito for Metro Manila Film Festival," paliwanag ni Jolina sa naging panayam.

"Pero ngayon kasi, sobrang naging strict na sa Metro Manila Film Festival, marami na rin naging rules. So noong time na 'yun, parang nahirapan na kami, mayroon nang istorya, mayroon nang script, pero hindi pa namin masyado napag-uusapan."

Paglilinaw din ni Jolina ay posible pa rin itong matuloy soon. “Definitely matutuloy 'yun. Yes, matutuloy 'yun tapos mas pinagtutuunan pa namin ng pansin 'yung istorya," sabi pa niya.