• Home
  • Fresh Scoops
  • 16 years old na ang only son ng aktres na si Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.

Ina Raymundo may birthday wish para sa nag-iisang anak na lalaki na si Jacob

16 years old na ang only son ng aktres na si Ina Raymundo na si Jakob Poturnak.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/21/2020 10:13 AM
Ina Raymundo may birthday wish para sa nag-iisang anak na lalaki na si Jacob
Photo credit: @inaraymundo95 IG

Guwapo at mas tumangkad  pa ngayon ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak sa Canadian husband niyang si Brian Poturnak. Sixteen years old na ang binata at may taas na 6 feet.

Puwedeng sumabak sa showbiz si Jakob kaya lang mukhang wala dito ang kanyang interes at hindi niya namana kay Ina ang pag-arte. Mas naka-concentrate ang binata sa sports.

Sa post ni Ina sa kanyang Instagram account ay dito niya ibinahagi ang kanyang sweet messages para sa kaisa isang anak na lalaki at ang birthday wish niya dito.


Happy 16th Birthday to my most favorite son in the world! You’ve grown from this cute, little (sleepyhead) munchkin, pumpkin pie into a 6 foot beast on the baseball field,” pagbati ni Ina sa anak.

You may be towering over your dad now but you’re still my baby. I will continue to hug you from behind while you play Fortnite and kiss your soft, baby scent hair.

“Please promise that you’ll be a secret Mama’s boy until at least you’re 18?” pakiusap ni Ina kay Jakob.

Patuloy ng aktres, “I know God is with you always and if it’s His will, you’ll grasp what you’ve been aspiring for. So dream big my son. Dream big. Mama & Dad love you so much.

“P.S. My birthday wish is for you to put your shirt on so you won’t get 'sipon' all the time. Pls!

Bukod kay Jakob, may 4 pang anak si Ina -- sina Erika, Anika, Mikaela at Minka.