Comedy Stars, nagsanib puwersa para sa ‘COVIDyante’

United ang Kapamilya at Kapuso comedians sa social media ngayong ECQ.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/19/2020 9:36 PM
Comedy Stars, nagsanib puwersa para sa ‘COVIDyante’


Photo credit: @covidyante on Instagram

Spreading positivity at good vibes ngayong kalagitnaan ng Enhanced Community Quarantine ang mga beterano at bagong henerasyon ng mga komedyante.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tuloy ang saya sa kabila ng krisis. Tawa muna tayo 😊 #PunchlinersForFrontliners #pinoycovidians #Covidyante

A post shared by Pinoy Covidians (@covidyante) on

 

Gamit ang kanilang personal social media accounts, pinangunahan nina Herbert Bautista, Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Ai Ai Delas Alas, Vhong Navarro at Bayani Agbayani ang “COVIDyante” bilang mga “Covidians”.

 

 

Sa Instagram post ni Janno, ibinahagi niya ang kanilang layunin to spread positivity and good cause bilang mga COVIDians.

“Covidyante viber group happening now. Ang kuleeeet!! @herbertbautista @ogiealcasid @vhongx44 @msaiaidelasalas @iambayaniagbayani Just some of the many Covidians on the thread. Cooking up something for a good cause,” lahad pa ni Janno na may hashtag na “punchlinersforfrontliners.”

Bukod kina Janno, Ogie, Herbert, Ai-Ai at Vhong, kasama rin sa nakibato ng kanilang mga punchlines sina Kim Molina, Gerald Napoles, Vandolph at Epy Quizon, Randy Santiago, Pokwang, Jayson Gainza, Archie Alemania, Wacky Kiray at iba pang mga kilala at primyadong komedyante ng showbiz industry mula sa ABS-CBN at GMA Network.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

OG COVIDyante @herbertbautista challenges @kimsmolina #punchlinersforfrontliners

A post shared by Pinoy Covidians (@covidyante) on

 

 

 

 

 

Stay at home man ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine, tuluy-tuloy pa rin ang good vibes at positivity na hatid ng COVIDians.