Ejay Falcon and girlfriend Jana Roxas cook food for COVID-19 frontliners

Ejay Falcon makes food packs for frontliners

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/18/2020 11:29 AM
Ejay Falcon and girlfriend Jana Roxas cook food for COVID-19 frontliners

Naghanda ng food packs ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon nitong Biyernes (April 17) paraibigay sa mga frontliners ng COVID-19 crisis.

Ayon kay Ejay, sila mismo ng girlfriend niyang si Jana Roxas ang nagluto ng mga pagkain. Bumili din daw sila ng iba pang pagkain para madagdagan ang ipamimigay nila.


“Nagluto kami ng chicken-pork adobo ni Jana sa tulong ng ilang kaibigan. Kami na rin ang nag-pack. Tapos dinala naminyung food packs sa Diliman Doctors Hospital. Yung iba naman ibinigay namin sa mga taong nasa daan na nagugutom,” mensahe sa amin ni Ejay thru Viber.

Patuloy ng aktor, “Napakasarap  po sa pakiramdam. Kasi napakaliit na bagay lang nung ginawa namin kumpara sa kanilang sakripisyo para sa ating kaligtasan. Saktong lunch namin dinala yung mga pagkain para maibsan yung pagod nila. Simpleng way ng pagtulong lang po, sana napasaya sila kahit papaano.”