• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsama si Baron Geisler at Ping Medina sa pelikulang “Bubog” na ipinalabas noong 2018.

BALIKAN: Baron Geisler Bakit nga ba galit kay Ping Medina?

Nagsama si Baron Geisler at Ping Medina sa pelikulang “Bubog” na ipinalabas noong 2018.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/18/2020 05:52 PM
BALIKAN: Baron Geisler Bakit nga ba galit kay Ping Medina?

Mula sa dating hindi pagkakaunawaan, tila nabigyang-linaw na ngayon ang naging rason ng aktor na si Baron Geisler kung bakit niya inihian sa mukha ang kapwa aktor na si Ping Medina sa shoot ng kanilang pinagsamahang pelikula noong 2017.

Matatandaan na sa kalagitnaan ng kanilang shooting sa pelikulang “Bubog” ni Arlyn Dela Cruz nauwi sa pagtatalo ang simpleng eksena ni Baron at Ping matapos ang naging personalan ang ilang maaksyong eksena.


Kamakailan lang, trending sa social media ang naging pahayag ng isang netizen na nagaakusa kay Ping nang sexual harassment na sinang-ayunan ni Baron.

Credits: tweeted by @jughnn April 14, 2020.

Dito, agad na sumagot si Baron at pinatotohanan ang naging pahayag ng netizen na naabuso umano ni Ping Medina ang kanyang girlfriend.

“True. My ex was raped by him and his friend,” tweet ni Baron.

Dagdag pa ni Baron, ito rin ang dahilan niya kung bakit niya inihian si Ping sa kanilang shoot ng pelikulang “Bubog” noong 2017.

“Reason y i peed,” dagdag niya.

Sa ngayon, nanatiling tahimik at walang pahayag si Ping matapos ang kinakaharap niya ngayong kontrobersiya.