• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: ‘Ang Probinsyano’ stars, may panawagan sa publiko

TINGNAN: ‘Ang Probinsyano’ stars, may panawagan sa publiko

Nakiisa ang all star cast ng “Probinsyano” sa Mask is A Must campaign.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/16/2020 3:46 PM
TINGNAN: ‘Ang Probinsyano’ stars, may panawagan sa publiko


Photo credit: @mr.cocomartin IG

Isang buwan na nang huling napanood ng publiko ang numero unong Kapamilya prime time series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinangungunahan ni Coco Martin.

Kasunod ito ng pansamantalang pagkansela ng taping ng mga paborito nating programa bilang pagsunod ng ABS-CBN sa ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine sa Luzon sa pagkalat ng sakit na COVID-19.

READ: ABS-CBN statement on special primetime programming amid Metro Manila quarantine

Hindi man nakakasama gabi-gabi, isang public safety announcement naman ang ibinahagi ng mga bumubuo ng programa sa pangunguna ni Coco Martin, ang “Mask Is A Must”.

Sa Instagram post ni Coco, ipinaliwang niya ang kahalagahan ng pagsusuot ng Face Mask bilang proteksyon sa COVID-19.

“Nakikiusap po kami na sana magsuot tayo ng MASK. Marami na po ang namamatay at patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng virus. Hirap na hirap na po ang ating mga frontliners. Mga frontliners na may mga sarili rin pong pamilya pero inuuna nila ang ating kaligtasan. Nasa panganib po ang mga buhay nila sa bawat minuto ng pagseserbisyo nila sa atin. Ang tanging maitutulong na lang po natin ay sumunod at manatili sa ating mga mga tahanan,” caption ng aktor sa post.

Bukod kay Coco, kaisa rin ang iba pang mga bituin ng Kapamilya show. Sa isang Instagram video na ibinahagi ni Shaina Magdayao, na isa sa guest stars ng “Ang Probinsyano,” makikita ang pakikiisa ng mga bituin sa panawagang “Mask Is A Must”.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

S S S S 👮‍♀️Task Force Agila 🦅 Ilang paalala- Stay at Home, Social Distancing muna, Sabunin ng mabuti ang mga kamay at magSuot ng washable mask! Higit sa lahat, BUONG PUSONG PASASALAMAT sa ating mga bayani, ang ating mga FRONTLINERS. Doctors, nurses, sanitation dept, janitors, guards, policemen, soldiers, govt officials, supermarket employees, drivers, delivery men, streetsweepers at lahat ng nagtatrabaho pa din ngayon sa kabila ng lahat ng nangyayari. Salamat po sa serbisyo at malasakit hindi lamang para sa inyong mga pasyente kung hindi para na rin sa BAYAN. 🇵🇭 You are always in our PRAYERS 🙏🏻 #AngProbinsyano @dreamscapeph #LIGTASPILIPINAS #MaskisaMust #Pilipinas #LabanPilipinas #masokaypagnakamask 🇵🇭

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

Sa post, binigyang pugay din ni Shaina ang mga medical front liners na inaalay ang sariling kaligtasan para lumaban sa COVID-19.

“BUONG PUSONG PASASALAMAT sa ating mga bayani, ang ating mga FRONTLINERS.

Doctors, nurses, sanitation dept, janitors, guards, policemen, soldiers, govt officials, supermarket employees, drivers, delivery men, streetsweepers at lahat ng nagtatrabaho pa din ngayon sa kabila ng lahat ng nangyayari.

“Salamat po sa serbisyo at malasakit hindi lamang para sa inyong mga pasyente kung hindi para na rin sa BAYAN. You are always in our PRAYERS,” bahagi ng post ni Shaina.

March 13, nang huling napanood sa telebisyon ang maaksyong buhay ni Cardo Dalisay sa ABS-CBN. Sa ngayon, napapanood ang “May Bukas Pa” bilang pansamantalang kapalit ng teleserye.