• Home
  • Fresh Scoops
  • Hiling ni actress-politician Lani Mercado ang pagbangon ng Pilipinas sa kinakaharap na krisis sa COVID-19.

Lani Mercado, nag-sorry na sa kaniyang ‘COVID-14’ bloopers

Hiling ni actress-politician Lani Mercado ang pagbangon ng Pilipinas sa kinakaharap na krisis sa COVID-19.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/15/2020 12:17 PM
Lani Mercado, nag-sorry na sa kaniyang ‘COVID-14’ bloopers

Kasunod ng kaniyang viral blooper sa social media, humingi ng paumanhin si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa kaniyang maling pagkakasambit sa COVID-14 na dapat ay COVID-19.

Video credits to the owner
[Note: Not for Monetization]


Sa bahagi ng live video uploaded ng mister ni Lani na si Senator Bong Revilla, tila pinagtawanan nalang ng actress-politician ang trending bloopers niya na COVID-14.

“Sa mga natuwa sa aking pagkakamali, ‘labanin ang COVID-14, sorry po talaga,” sambit ni Lani sa live video kasabay ng kaniyang kaarawan nitong Lunes, April 13.

Paliwanag pa ng Bacoor Mayor: “Madami talagang iniisip pero sorry po sa mga nagalit, ‘wag na tayong magalit, tapos na ang Mahal na Araw. Bawal magkamali pala ang alcalde. Tao lang po, pasensya na.”

Aniya, sa kabila ng naging katatawanan at viral video na ito, tuloy lang umano siya sa paglilingkod sa kaniyang nasasakupan bilang mayor.

“Pero ginagawa talaga natin lahat na magagawa para malampasan natin ang mga pagsubok na ‘to. We all pray na sana mahanap na talaga ‘yong lunas ng COVID-19,” pahayag pa ni Lani