• Home
  • Fresh Scoops
  • Napapanood ngayon si Maja Salvador sa ilang Kapamilya shows.

Maja Salvador, hectic ang schedule ngayong panahon ng COVID-19?

Napapanood ngayon si Maja Salvador sa ilang Kapamilya shows.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/14/2020 06:57 PM
Maja Salvador, hectic ang schedule ngayong panahon ng COVID-19?
Photo credit: @iammajasalvador on Instagram

Kasabay ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine ang pansamantalang pagpahinga ng mga paboritong Kapamilya shows.

READ:ABS-CBN statement on special primetime programming amid Metro Manila quarantine

Kaya naman, ilan sa mga kasalukuyan na napapanood ay ang mga programang markado at certified trending sa audience ng Kapamilya network.


Ilan sa mga ito ay ang The Legal Wife”na napapanood tuwing hapon at ang May Bukas Pa at Wildflower na napapanood naman gabi-gabi.

Kapansin pansin din ang mga programang ito ay kinabibilangan ng aktres na si Maja Salvador na tila kinagigiliwan ngayon ng netizen dahil sa kaniyang tila hectic schedule ngayong panahon ng quarantine.

Sa isang fan account ng Kapamilya actress, tila kinatuwaan si Maja dahil sa kanyang mga patok at markadong karakter.

 

 

Positibo naman ang naging comment ni Maja sa naging tweet ng fan account.

 

 

“Haha sana na e-enjoy niyong nakakasama ako araw araw habang naka quarantine!”tugon ni Maja.

Sa ngayon, patuloy na napapanood ang ilan pa sa tatak at markadong Kapamilya shows bilang pansamantalang kapalit ng mga inaabangan ng programa ng ABS-CBN.