• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa sa mga handog ng Stay At Home Stories ang tula ng PBB OTSO almuna na si Hasna Cabral para sa kaniyang mga anak.

PANOORIN: Single mom Hasna Cabral, may madamdaming tula para sa kaniyang mga anak

Isa sa mga handog ng Stay At Home Stories ang tula ng PBB OTSO almuna na si Hasna Cabral para sa kaniyang mga anak.

PANOORIN: Single mom Hasna Cabral, may madamdaming tula para sa kaniyang mga anak-PUSH TEAM
BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/13/2020 08:47 PM
PANOORIN: Single mom Hasna Cabral, may madamdaming tula para sa kaniyang mga anak
Photo credits: @hasna.manania IG

Isang madamdaming tula ang handog ng ABS-CBN Entertainment para sa Stay At Home Stories short film. Tampok dito ang single mother at Pinoy Big Brother OTSO alumna na si Hasna Cabral na may love letter para sa kaniyang dalawang anak sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mapapanood din ang dalawang anak ni Hasna na sina Bash at Baste sa naturang short film na may pamagat na Yakap.

“Ex-PBB Otso Hasna Cabral stars in Yakap. A single mother addresses a love letter to her children about their situation and struggles amidst the COVID-19 pandemic,” ayon sa caption ng video na nakapost sa Facebook page ng ABS-CBN.


Sa dating interview ni Hasna sa Magandang Buhay, una na niyang ibinahagi ang pagsubok at karanasan niya bilang single mom sa dalawang anak na parehong may mental condition. "Struggle siya sa simula [kasi] kakatapos ko lang din po mag-aral that time, and somehow po hindi kami financially prepared po nung partner ko. Pero I tried my best po talaga,” ani Hasna sa kaniyang pag-guest sa morning talk show.

READ: PBB Otso ex-housemate Hasna Cabral, ikinuwento ang pagiging single mom sa dalawang anak na may special condition

Samantala, kamakailan din ay ibinahagi ni Hasna ang isang nakaka-inspire na song cover na ginawa niya at ng kaniyang panganay na si Bash sa Instagram.

“Meet my firstborn, Bash. Diagnosed with #autism at four, I never underestimated her. She knows self respect and trusts her talents. She finds beauty in almost anything around her. I can't be any prouder. She's just amazing,” ayon sa caption ni Hasna.