• Home
  • Fresh Scoops
  • Bida sa ‘Stay at Home Stories’ short film na ‘Kornbip-19’ sina Aljon Mendoza at Jojit Lorenzo.

Aljon Mendoza, gumanap bilang frontliner sa short film na ‘Kornbip-19’

Bida sa ‘Stay at Home Stories’ short film na ‘Kornbip-19’ sina Aljon Mendoza at Jojit Lorenzo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/12/2020 09:40 AM
Aljon Mendoza, gumanap bilang frontliner sa short film na ‘Kornbip-19’
Photo credit: ABS-CBN Entertainment YT Channel

Gumanap bilang isang frontliner o hospital janitor ang Pinoy Big Brother OTSO alumnus na si Aljon Mendoza sa shortfilm na Kornbip-19.

Sa unang handog na short story ng Stay At Home Stories ng ABS-CBN Entertainment, binigyang buhay ni Aljon ang kuwento ng isang frontliner sa gitna ng community quarantine. Kasama ang seasoned actor na si Jojit Lorenzo, tampok sa naturang short film ang kuwento ng mag-ama na magkalayo sa gitna ng virus outbreak.

Panoorin ang five-minute short film dito:


Si Aljon ang isa mga teen housemates ng PBB OTSO Batch 1, kasama sina Seth Fedelin, Jelay Pilones, Lie Reposposa, Kaori Oinuma at kaniyang ka love team na si Karina Bautista. Tinaguriang bilang “Ang Shy Charmer ng Pampanga,” naging kontrobersiyal ang pagkakamabutihan ni Aljon at Karina sa loob ng bahay ni Kuya.

READ: Aljon Mendoza at Karina Bautista, napre-pressure nga ba na i-level up ang friendship?

Sandugo ang naging unang teleserye ni Aljon, kung saan ay kasama niya rin si Karina.