• Home
  • Fresh Scoops
  • Hinahangaan ngayon ang Pasig City Mayor dahil sa kakaibang strategy nito sa pagpaaabot ng tulong sa kaniyang constituents.

Angel Locsin, dumipensa para kay Vico Sotto

Hinahangaan ngayon ang Pasig City Mayor dahil sa kakaibang strategy nito sa pagpaaabot ng tulong sa kaniyang constituents.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/01/2020 09:43 PM
Angel Locsin, dumipensa para kay Vico Sotto

Kumambyo ang aktres na si Angel Locsin para kay Pasig City Mayor Vico Sotto. Kasunod ito nang napapabalitang pagpapatawag ng National Bureau of Investigation o NBI para ipaliwanag ang paglabag umano nito sa ilang batas sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

READ: NBI summons Vico Sotto over alleged quarantine violation; mayor says not illegal to give opinion

Sa isang tweet ni Angel, inihayag nito ang kaniyang opinyon sa balitang pagpapatawag ng NBI sa Pasig City Mayor.


“Hindi ako nag mamarunong sa batas, pero sa opinyon ko, si Koko ang dapat ipatawag at hindi si Vico,” tweet ng aktres.

Matatandaan na kamakailan lang din, nagpahayag ng kaniyang pagka dismaya ang aktres kay Senator Koko Pimintel dahil sa nilabag nito ang utos ng kanyang doctor na magself-quarantine at pumunta sa isang ospital para samahan ang kanyang asawang buntis sa kabila nang pagiging positibo sa sakit na COVID-19. 

READ: Senator Koko Pimentel tests positive for COVID-19

Sa Twitter din, inihayag ng aktres ang kaniyang saloobin sa naging kapabayaan ng Senador matapos na balikan ng isang netizen ang poster campaign ng Senador taong 2007 kung saan nagbigay suporta si Angel.

Sa magkakasunod na tweet sinabi ng aktres na “Eww” ang naging pagsuporta sa elected senator.

Samantala, sa panayam naman ng TV Patrol nitong Miyerkoles April 1, sinigurado ni Mayor Vico na tuloy pa din ang trabaho niya bilang mayor sa kabila ng mga aberya.

“Huwag na po natin intindihin ang politika. Basta ang lokal na pamahalaan ng Pasig ay ginagawa po ang lahat ng makakaya natin pati po doon sa social assistance po natin, nakikipag ugnayan po tayo sa lokal na pamahalaan. ‘Yung mga food packs po natin, tuloy-tuloy po ang distribution niyan. Hindi po madali ang paglaban natin sa COVID-19. Basta nagtutulungan po tayo, mula sa barangay level, national level. Kasama po kami sa city level ay masusulusyunan po natin ito,” pahayag ng Pasig City Mayor sa TV Patrol.