• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagharap na sa wakas si Melai Cantiveros at ang huling babaeng kanyang pinagselosan na si Ivana Alawi.

Melai Contiveros at pinagseselosang si Ivana Alawi, nagkita na

Nagharap na sa wakas si Melai Cantiveros at ang huling babaeng kanyang pinagselosan na si Ivana Alawi.

Melai Contiveros at pinagseselosang si Ivana Alawi, nagkita na-PUSH TEAM
BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/09/2020 04:27 PM
Melai Contiveros at pinagseselosang si Ivana Alawi, nagkita na

Nagharap na sa wakas si Melai Cantiveros at ang huling babaeng kanyang pinagselosan na si Ivana Alawi.

Nagkita ang dalawa sa “Magandang Buhay” nitong Lunes kung saan bumisita si Ivana upang i-promote ang kanyang paparating na seryeng “Ang Lihim ni Ligaya”.

"Gusto ko lang sabihin sa iyo, Ivana, na crush din kita," ani Melai.


"Kasi talaga namang maraming makaka-relate sa may mga asawa at may boyfriend. Bakit sino ba ang tinitingnan mo sa cellphone, pagtingin 'ha, Ivana! Nag-iba ka na.' Parang ganun," dagdag pa niya.

Ayon pa kay Melai, “deserve na deserve” umano ng sexy actress na mapag-selosan hindi lamang dahil sa ganda kundi dahil sa ubod ng kabutihan nito.

"Talaga namang nakaka-proud si Ivana, ang sexy,” aniya.

“Ang sexy, ang beautiful at ang bait, mabait talaga siya," patuloy pa niya.

Matatandaang sa nakaraang pagbisita ni Melai sa “Tonight With Boy Abunda” kasama ang asawa niyang si Jason Francisco ay inamin nitong si Ivana ang kanyang huling babaeng pinagselosan.

Panoorin ang kanyang naging pag-amin ditto:

Kasamang bibida ni Ivana sa “Ang Lihim ni Ligaya” ang “MOMOL Nights” at “Belle Douleur” actor na si Kit Thompson.