• Home
  • Fresh Scoops
  • Inigo Pascual napansin ba ang kakaibang closeness nina Maris Racal at McCoy De Leon?

Inigo Pascual napansin ba ang kakaibang closeness nina Maris Racal at McCoy De Leon?

May natagpuan na nga bang bagong pag-ibig ang dating ka-love team ni Inigo Pascual na si Maris Racal sa Hashtags member na si McCoy De Leon?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/8/2020 2:58 PM
Inigo Pascual napansin ba ang kakaibang closeness nina Maris Racal at McCoy De Leon?


Photo credit: @inigopascual (L) and @hashtag_mccoydl (R) on Instagram

Dating magka-love team sina  Iñigo  Pascual at Maris Racal pero may mga bulong-bulungan na nagiging malapit ang huli sa kanyang bagong leading man na si McCoy De Leon. Nagkasama si Maris at McCoy sa pelikulang "Block Z" at makikita ang sweetness ng dalawa sa isa't isa. 

Ano naman ang reaksyon ni  Iñigo   dito at mukhang naka move on na sa kanya ang aktres? 

"Wala akong alam. Ako, kung sila, eh di I'm happy for them. There's no problem between us. We are all very civil and very professional with one another. Mccoy is one of my good friends as well. Para kay Maris, I'm happy wherever she's happy," sagot ni  Iñigo. 

READ: Maris Racal, naging emosyonal sa paghingi ng tawad ni Iñigo Pascual

Wala rin daw balak magka-girlfriend ni Iñigo sa ngayon at gusto niyang mag-focus  sa kanyang career. 

"I feel like I'm at this point in my life where I'm really just figuring out what I want to do. I mean 2019 was a good year but it definitely was a year parang nangangapa sa career, I was not really sure where was this going. I feel like 2020 I want to be able to really solidify what I want to do and take it to the next level," sabi pa ng singer.

Busy ngayon si Inigo sa promotions ng kanyang bagong single na "Options". Samantalang si Maris ay mapapanood tuwing hapon ng weekdays sa teleseryeng "Pamilya Ko."