• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Axel Torres, napag-iwanan na ng kasabayan sa PBB na sina Joshua Garcia, Maris Racal, at Loisa Andalio?

EXCLUSIVE: Axel Torres, napag-iwanan na ng kasabayan sa PBB na sina Joshua Garcia, Maris Racal, at Loisa Andalio?

Axel Torres, nagsisisi na di sineryoso ang mga binigay na oportunidad noon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/7/2020 9:55 AM
EXCLUSIVE: Axel Torres, napag-iwanan na ng kasabayan sa PBB na sina Joshua Garcia, Maris Racal, at Loisa Andalio?


Photo credit: @axe1torres on Instagram

Nagbigay ng reaksyon ang basketbolista at aktor na si Axel Torres tungkol sa status ng relasyon ngayon ng It’s Showtime host na si Vice Ganda kay Ion Perez. Matatandaang na-link noon sina Axel at Vice at pinaniniwalaan ng marami na nagkaroon din sila ng relasyon.

Ani Axel, “Hindi na kami nag-uusap, eh. Tsaka busy rin kasi siya. Ako naman, busy rin, so ganun.

“Matagal na nung huli kaming nag-usap… tagal na. Last na pag-uusap namin siguro after pa nung Kapamilya basketball.”

Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate at Star Magic artist masaya siyang may lalaking tunay na magmamahal ngayon kay Vice. “Super happy ako for Vice, sobra. I mean, di ba, hindi mo naman hinanap, dumating lang, yon yung maganda do’n, eh. Yung hindi mo siya hinanap pero dumating siyempre ibang kuwento yon,” lahad pa niya.

Muli ay nilinaw ni Axel ang namagitan sa kanila ni Vice.

“Normal na sa akin na nali-link ako kung kani-kanino, like kay Vice nga. Kahit naman sinong makasama ko nali-link ako. Hindi naman na ako napipikon sa ganyan kasi pag basketball player ka talaga minsan ganun, eh. Hindi lang naman kay Vice ako na-link noon.

“Pero ang totoo talaga diyan, parang anak-anakan niya lang kasi ako. Supportive lang siya sa akin dati,” paliwanag niya.

Si Axel ay nasa pangangalaga na ngayon ng Asterisk Artist Management, pero kinokontak pa rin naman daw siya ng Star Magic kapag may role na babagay sa kanya at pinag-o-audition.

Five years na rin ako sa kanila, sinubukan ko lang sa ibang management to try other than Star Magic. May binibigay naman sila pero I think I need more.

Sa kuwento pa ni Axel, hindi naman siya dismayado na walang masyadong magandang nangyari sa career niya after PBB at pagkatapos niyang maging bahagi ng Star Magic.

Siya raw kasi mismo ang may problema.

Lahad niya, “Hindi ako puwedeng madismaya sa ABS-CBN kasi wala naman silang… hindi naman sila nagkulang sa akin. Siguro ako, nadismaya ako sa sarili ko kasi na-take for granted ko yung mga opportunities na binigay nila sa akin. Mas inuna ko yung mga… parang kumbaga hindi ko siya sineryoso. Kung sineryoso ko siya siguro, baka maraming magagandang nangyari.”

Eh, ano naman ang reaksyon niya kapag sinasabing napag-iwanan na ang career niya nina Joshua Garcia, Maris Racal, at Loisa Andalio na ka-batch niya noon sa PBB Teen Edition?

“Okey lang na napag-iwanan nila ako. Happy ako for them, eh. May mga ginawa rin kasi ako in the past na ni-regret ko pero wala akong bine-blame for that. Sabihin na nating late bloomer ako at late ko nang na-realize na sayang yung ganito o ganyan, pero hindi pa naman huli ang lahat, eh. I can stil change and I can still improve,” deklara pa ng aktor.