Seth Fedelin, honey na ang tawag kay Andrea Brillantes?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/6/2020 3:38 PM
Seth Fedelin, honey na ang tawag kay Andrea Brillantes?


Kahit tapos na ang Kadenang Ginto, nagbigay update si Seth Fedelin sa patuloy na communication nila at closeness sa isa’t isa ni Andrea Brillantes.

“Yun lang, kung ano ang mayroon kami dati hindi nagbabago at lagi namin sinasabi sa isa’t-isa na galingan pa natin sa mga susunod na blessings pa,” sabi pa ni Seth.

Dahil mga bata pa, hindi daw muna minamadali ni Seth si Andrea na magkaroon ng mas malalim na relasyon, pero kahit wala pang tawagan sa kanila, may tawagan na si Seth kay Andrea.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Kung ako si spider man, sino you @blythe 😊😊

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin) on

 

“Sa ngayon hindi pa namin tinitingnan yung mag jowa jowa na yan eh! Wala wala... kung darating man sa mahuhulog tayo sa isat isa eh huwag muna ngayon. Ah alam naman ng lahat tinatawag ko siyang honey.”

Excited na ang fans nila Seth at Andrea sa mga susunod pang mga proyekto na kanilang gagawin.