• Home
  • Fresh Scoops
  • Jackie Forster, tuloy ang guidance sa mga anak na sina Kobe at Andrei Paras

Jackie Forster, tuloy ang guidance sa mga anak na sina Kobe at Andrei Paras

Nilinaw rin ni Jackie Forster ang role niya sa career ni Kobe Paras.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/6/2020 5:12 PM
Jackie Forster, tuloy ang guidance sa mga anak na sina Kobe at Andrei Paras


Sa pambihirang pagkakataon, nakapanayam ng entertainment press ang dating aktres na si Jackie Forster. At sa kaniyang pagharap sa media, mas masaya na niyang ibinahagi ang maayos na relationship niya sa kaniyang mga anak na sina Kobe at Andrei Paras.

Kuwento ni Jackie, pareho ng nasa wastong edad ang dalawa niyang anak para makapag-desisyon sa kanilang buhay.

“I don’t know. [issue between Jackie and Benjie Paras] Ayaw ko nang bigyan ng kahit na anong comment pa because everything is okay na and everything. And you know what, they’re adults na,” aniya sa tanong ng press sa opening ng Shinagawa Aesthetics Center sa BGC kung may say pa ba si Benjie sa reconciliation nila ng kaniyang mga anak.

At ngayong, maayos na ang relasyon ni Jackie sa kaniyang mga anak, isa rin sa nilinaw ng dating aktres ang guidance na hiningi sa kaniya ng anak na si Kobe para sa career nito bilang isang artista.

Aniya, patuloy ang adjustment ni Kobe sa showbiz scene. Una kasi itong gumawa ng pangalan bilang isang athlete.

“Okay so when the beginning when he first came back, he didn’t really want anyone to know and because Kobe doesn’t want to do showbiz, he’s not showbiz, he’s really an athlete. Which is the flip side noon ang hirap because, he’s so creative and when you talked to Kobe about fashion and ideas niya ang dami, ang dami. And I feel like he just need to learn to handle it,” paliwanag ni Jackie.

Paliwanag pa niya, masaya siya nararating ng mga anak niya ang maayos sa career na kanilang pinili sa tulong ng kanilang ama na si Benjie at ng management team nito.

“So in the beginning, I was the one helping him because he doesn’t really want people to think na he wants to do this thing (showbiz) so I was helping him in the beginning. But then he asked and decided to stay longer and magtatagal na talaga siya sa Philippines, sabi ko ‘you know, ask your dad for more help.’ I think now, he’s back with VIVA.”

Marami pa rin ang humihikayat kay Jackie na balikan ang pag-arte dahil sa hindi pa rin kumukupas ang ganda at talento nito.