Neri Naig, napanaginipan si Piolo Pascual

Detalyadong ikinuwento ng dating aktres na si Neri Naig ang kanyang panaginip kung saan bida ang hunk star na si Piolo Pascual.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/5/2020 4:16 PM
Neri Naig, napanaginipan si Piolo Pascual


Detalyadong ikinuwento ng dating aktres na si Neri Naig ang kanyang panaginip kung saan bida ang hunk star na si Piolo Pascual.

Sa Instagram nitong Huwebes, Marso 5, ibinahagi ni Neri na napanaginipan niya ang aktor na inaaya siyang lumabas para makipag-date.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

7:20pm nagtext ang handler niya na sunduin daw ako sa bahay at gusto daw akong ka-date ni Piolo sa event ng ABS CBN. Nakapajama na ako at nanonood ng Netflix at 8pm daw ang event. Wear white daw sabi ni Piolo. Nataranta ako! Tinawagan ko si Kuya @jerryvoyage para sabihin bat wala akong oras to prepare. Pinagalitan nya handler ni Piolo kase ura urada. Pero wala daw siyang magagawa at papunta na daw sila ni Piolo. Nagsuot ako ng white dress. Wala akong makeup!!!! Kahit kilay wala! Gaaaaaa! Inis na inis ako at walang preparations man lang. Nung nagpunta na kami sa ABS CBN, ahhhhhh! Lahat sila mega ayos! Kaloka! And Ms Mariole told me na kahit maglagay man lang daw ako ng kilay, haha! I called Riri para makeupan ako. Jusko. 8:30pm wala ka pa at napupuno na ng mga altang tao, haha! Lasing na lasing na ibang artista. Ang problema ko wala akong kaayos ayos. Tapos nahihiya akong tumingin kay Piolo pero pag napapasilip ako sa kanya, ang ganda ng ngiti! Nakatitig siya sa akin tapos ang dreamy ng smile niya! Syet! Kakatunaw! Dumating na makeup artist ko. Nagpabonggang makeup ako kase sabi ni Piolo, gusto niya maging queen of the night daw ako. Nagpalit ako ng magandang white gown. Ire-reveal ko na kay Piolo yung transformation ko. Pero nakakaramdam na ako ng pagmamadali sa paligid ko. Ang bibilis nang magsalita ng mga tao sa paligid ko habang hinahanap ko si Piolo. Bumibilis heart beat ko tapos parang bumabagal na yung kilos ko. Parang... parang... ay! nagising na ako! Huwaaaaaaaaat???! Hindi man lang kami nagkita ni Piolo? šŸ˜­ Ang bagal mo kase riri eh! Di ka agad dumating sa ABS! Kase naman Kuya Jerry, wala man lang time makapag ayos! Sinisisi ko kayong dalawa! Haha! At yung handler ni Piolo! So ayun. Sawi panaginip ko. Sayang ang makeup at white gown ko na di nakita ni Papa P. Disclaimer: Sa mga oras ng panaginip ko, wala akong asawa nun. šŸ¤£āœŒ Pero ang kilig ko parang yung first time kong napanood ang To All The Boys I've Loved Before. Di ko crush si Papa P sa totong buhay pero grabe sa kilig yung panaginip ko. Haaaaaaaay. šŸ˜ Sa lahat nang magsasabi na matulog ako ulit at baka may continuation, di na ako makakatulog dahil bumabangon ako ng 4:30 am. Haha!

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

 

“7:20pm nagtext ang handler niya na sunduin daw ako sa bahay at gusto daw akong ka-date ni Piolo sa event ng ABS CBN. Nakapajama na ako at nanonood ng Netflix at 8pm daw ang event. Wear white daw sabi ni Piolo. Nataranta ako!” ani Neri.

Patuloy niya: “Tinawagan ko si Kuya [Jerry Telan, Star Magic road manager] para sabihin ba’t wala akong oras to prepare. Pinagalitan nya handler ni Piolo kase ura urada. Pero wala daw siyang magagawa at papunta na daw sila ni Piolo.”

“Nagsuot ako ng white dress. Wala akong makeup!!!! Kahit kilay wala! Gaaaaaa! Inis na inis ako at walang preparations man lang. Nung nagpunta na kami sa ABS CBN, ahhhhhh! Lahat sila mega ayos! Kaloka! And Ms Mariole told me na kahit maglagay man lang daw ako ng kilay, haha! I called Riri para makeupan ako. Jusko. 8:30pm wala ka pa at napupuno na ng mga altang tao, haha! Lasing na lasing na ibang artista. Ang problema ko wala akong kaayos ayos. Tapos nahihiya akong tumingin kay Piolo pero pag napapasilip ako sa kanya, ang ganda ng ngiti! Nakatitig siya sa akin tapos ang dreamy ng smile niya! Syet! Kakatunaw!”

“Dumating na makeup artist ko. Nagpabonggang makeup ako kase sabi ni Piolo, gusto niya maging queen of the night daw ako. Nagpalit ako ng magandang white gown. Ire-reveal ko na kay Piolo yung transformation ko.”

Ngunit ayon kay Naig, dito na siya unti unting nagising sa kanyang pagkakatulog.

“Pero nakakaramdam na ako ng pagmamadali sa paligid ko. Ang bibilis nang magsalita ng mga tao sa paligid ko habang hinahanap ko si Piolo. Bumibilis heart beat ko tapos parang bumabagal na yung kilos ko. Parang... parang... ay! nagising na ako! Huwaaaaaaaaat???! Hindi man lang kami nagkita ni Piolo?” pahayag ni Naig.

“Ang bagal mo kase riri eh! Di ka agad dumating sa ABS! Kase naman Kuya Jerry, wala man lang time makapag ayos! Sinisisi ko kayong dalawa! Haha! At yung handler ni Piolo! So ayun. Sawi panaginip ko. Sayang ang makeup at white gown ko na di nakita ni Papa P.,” biro pa niya.

Inamin naman ni Neri na kahit sa panaginip lamang ay napakilig siya nang husto ni Piolo.

“Sa mga oras ng panaginip ko, wala akong asawa nun,” ayon kay Neri, na sa totoong buhay ay kasal sa Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

“Pero ang kilig ko parang yung first time kong napanood ang ‘To All The Boys I've Loved Before’. Di ko crush si Papa P sa totong buhay pero grabe sa kilig yung panaginip ko. Haaaaaaaay.”

“Sa lahat nang magsasabi na matulog ako ulit at baka may continuation, di na ako makakatulog dahil bumabangon ako ng 4:30 am. Haha!” dagdag pa niya.

Samantala, marami sa kanyang fans at followers ang hindi rin mapigilang kiligin sa kuwento ni Neri.

“Nakakatawa na nakakakilig ang panaginip mo mam,” ani ng isang netizen.

“Binasa ko lahat!!!! Ang saya! Nung isang araw, naging PA ako ni Jennifer Lopez sa panaginip ko. Hanep!!!” patuloy pa ng isang user.