• Home
  • Fresh Scoops
  • Lovi Poe says it was easy to get work with Marco Gumabao for their love scenes.

Lovi Poe, no holding back on doing love scenes with Tony Labrusca and Marco Gumabao

Lovi Poe says it was easy to get work with Marco Gumabao for their love scenes.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/05/2020 04:44 PM
Lovi Poe, no holding back on doing love scenes with Tony Labrusca and Marco Gumabao
Photo credit: @lovipoe IG

Ibinahagi ni Lovi Poe na hindi siya nahirapang katrabaho si Marco Gumabao sa pelikulang Hindi Tayo Puwede ng Viva Films na palabas na ngayon sa mga sinehan mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Kuwento ni Lovi, “First time naming magkatrabaho sa movie and he just made it easier for me kasi maalaga siya at hindi mahirap katrabaho. Very gentleman din siya sa love scene namin and that was good. He was very maalalay.

“Si Direk kasi may mga surprise siya sa set at nakaka-stress kung minsan. First, may mga choreography and everything ang love scene,  and then there comes this move na nagulat ako. Pero si Marco, inalalayan talaga niya ako.”


Wala namang naging angal si Lovi sa ipinagawa sa kanya ni Direk Joel sa kanilang kissing scene ni Marco.

“Kasi si Direk talaga kailangan realistic yung eksena and when it comes to acting if you’re going to hold back, di ba, parang if you’re willing to give your heart and soul sa isang eksena sa isang pelikula, why not?

“Kasi kung nagho-hold back ka, magho-hold back din yung partner mo. So parang we don’t want that kind of feeling and we want it to be realistic as much as possible,” paliwanag ni Lovi.

Paano ba niya pagkukumparahin ang mga daring scenes niya with Tony Labrusca and Marco sa pelikula?

“It’s so hard… You can’t love two people the same way twice. Makikita mo na iba yung level ng pagmamahal ko with Tony and Marco that’s why iba yung take ng love scene namin ni Marco, iba rin yung kay Tony.

“Kung sa music, yung love scene namin ni Tony was very slow and romantic kasi nga we know that we were in love. Tapos yung sa amin ni Marco, siguro mas upbeat, kasi nga hindi namin ini-expect na ganito pala yung nararamdaman namin sa isa’t isa,” paliwanag ng aktres.

Ipapakita sa Hindi Tayo Puwede ang marubdob na pag-iibigan ng mga bidang karakter. Sa totoong buhay ba ay martir magmahal si Lovi?

“I don’t think na martir po ako. I think it’s hard to fight for something you think na… but as long as that person is fighting for you too then that’s probably one reason to fight for a relationship. But if it’s only you, walang kompormiso,” tugon ng dalagang masayang-masaya ngayon sa kanyang foreigner boyfriend.”