• Home
  • Fresh Scoops
  • Lorna Tolentino, pagod na maging kontrabida sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Lorna Tolentino, pagod na maging kontrabida sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Markado si Lorna Tolentino na isa ngayon sa kinaiinisan na karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/5/2020 1:18 PM
Lorna Tolentino, pagod na maging kontrabida sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Photo credit: @lornatolentinofernandez on Instagram

Isa ang karakter ng Grand Slam queen na si Lorna Tolentino ang napapanood gabi-gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#repost @direkrowell @imangelaquino 7-10-19

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez) on

 

Kuwento ni Lorna, Lily na ang tawag kanya ng mga manonood kapag nakikita siya ng personal kaya’t inalis niya ang trademark na bangs na bahagi ng kanyang karakter sa tunay na buhay. Si Lily Cortez ang kanyang karakter na kinaiinisan ng maraming manonood.

“Medyo kailangan muna i-side ang bangs kasi kapag naka-bangs ako, medyo parang ang tingin ng lahat ay si Lily! Parang ‘Miss Lily, pwede po ba magpa-picture?’ Lily na!” tugon ni LT sa panayam ng press sa renewal ng kanyang kontrata sa Beautéderm kung saan isa siya sa mga brand ambassador.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming Salamat ❤️ @beautedermcorporation @missrheatan

A post shared by lornatolentinof (@lornatolentinofernandez) on

 

Patuloy ni Lorna, “So kapag wala, medyo naiba na. Miss LT na ulit. Pero happy naman ako na ganun ang tinatawag nila sa akin ibig sabihin nanonood talaga sila.”

Ayon pa kay Lorna, challenge ang maging isang kontrabida na umuubos ng kaniyang energy para lang magampanan ang kinaiinisan na papel.

“Nakaka-drain talaga. Minsan, sa ginagawa ko, naiiyak ako. Kahit nanlilisik yung mata ko, teary-eyed pa rin ako. Kasi, parang sa puso mo, alam mo na minsan parang, ‘Meron pa bang ganito? Meron bang ganitong tao?,’” sabi pa ni LT.

Pagbibiro pa ni LT, dahil sa Ang Probinsyano nadagdagan ang kaniyang pang renovate ng kanilang bahay.

“Kailangan na maging sa akin more of a senior friendly home di ba? Dumadating tayo sa point na nahihirapan na tayo umakyat ng hagdanan so sana one level na lang ang sa akin yung ganun,” pahayag pa ni LT.

Sa ngayon, patuloy na mapapanood si Lorna bilang si Lily sa FPJ’s Ang Probinsyano.