• Home
  • Fresh Scoops
  • JC Santos, ibinahagi ang bagong inspirasyon ngayon sa trabaho

JC Santos, ibinahagi ang bagong inspirasyon ngayon sa trabaho

Isa ng ganap na ama ngayon so JC Santos sa kaniyang week-old baby.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/5/2020 1:03 PM
JC Santos, ibinahagi ang bagong inspirasyon ngayon sa trabaho


Mas inspirado ngayon sa kaniyang mga proyekto ang aktor na si JC Santos na bida sa upcoming suspense thriller movie na Motel Acacia kasama si Agot Isidro.

Matatandaan na kamakailan, inamin ni JC na magiging isang ganap na ama na siya sa kaniyang first baby sa non-showbiz partner.

READ:JC Santos, umaming kasal na at magiging tatay na rin

Ngayon kapiling na niya ang kaniyang week-old baby, ibang fulfillment ang kanyang nararamdaman bilang isang ama na hands-on sa pag-aalaga.

“Sobra-sobra. Ang sarap umuwi, galing mapagod. Ngayon gumagana pa ako sa kape, kasi newborn e, so hands-on pa ako,” tugon ni JC sa panayam.

Puyat man sa trabaho, hindi iniinda ng aktor na excited sa pag-aalaga sa kaniyang baby.

“Sa kaniya ang buong madaling araw. Mahirap, ganun pa rin the usual lang, uwian ako sa Pampanga, ayun, madaling araw gising, tapos punta sa work, pag kaya magpahinga, pahinga,” tugon ng aktor.

Sa kabila ng puyat, sulit rin daw ang kanyang pagod sa pag-aalaga sa kanyang baby.

“Yes, gusto ko e, gusto ko e, totoo ‘yung sinasabi nila na makita mo lang ang ngiti ng anak mo, wala na lahat. Kasi from gabi na after mong sumabak sa gyera na kada isang oras gumigising tapos makikita mo the next umaga, ngi-ngiti tapos okay ka na,” kuwento pa ng aktor.

At bilang first-time father, naitanong rin kay JC kung paano niya gusto lumalaki ang kaniyang baby.

“Hindi ko pa alam, hindi ko masasagot pa yan, gusto ko siyempre, makuha niya ang discipline, ‘yung pagpapahalaga sa tao.”

At kahit na sumasabak sa puyatan, game na game rin daw ang aktor ngayon sa pagtanggap ng mga proyekto

“Kung may dumarating, hindi ko naman tatanggihan e, at saka kung gusto ko pa naman ‘yung project. Pero so far, kaya ko naman na pagsabayin, gagawin ko,” pahayag pa niya.

Bukod sa Motel Acacia, napapanood rin si JC sa weekly series na 24/7 sa ABS-CBN.