• Home
  • Fresh Scoops
  • Ivana Alawi, ipinaliwanag ang real score sa kanila ni Dan Fernandez

Ivana Alawi, ipinaliwanag ang real score sa kanila ni Dan Fernandez

Hindi naman itinanggi ni Ivana Alawi na magkaibigan sila ni Dan Fernandez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/5/2020 3:06 PM
Ivana Alawi, ipinaliwanag ang real score sa kanila ni Dan Fernandez


Kasabay ng kaniyang kasikatan ngayon, iba’t-ibang pangalan sa showbiz ang idinidikit sa Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi. Kabilang na dito ang actor-politician na si Dan Fernandez.

Sa isang viral social media post ng isang netizen, makikita ang naging paglabas umano ni Ivana kasama ang 54-year old na actor-politician.

Mas uminit pa ang pagkakaugnay nina Ivana at Dan nang mag-celebrate ng kanyang birthday si Ivana sa Amerika noong 2018 kung saan andoon din umano ang aktor.

 

 

Makikita rin nasa parehong bansa ang actor-politician dahil sa mga naging social media post nito.

Matatandaan naman sa naging panayam kay Ivana ng Tonight With Boy Abunda, isa sa naitanong sa sexy actress kung nililigawan ba siya ng actor-politician.

“No, we’re friends. Yes, I won’t deny it, we go out with friends. Pero we’re not romantically involved. No! (why not?) Kasi babaero siya, ayoko ng babaero, (laughs) please, wag na. Ayoko ng ganun, gusto ko ‘yung mamahalin ako. Stick to one,” aniya pa sa panayam.

Matatandaan naman sa huling panayam rin kay Ivana sa Gandang Gabi Vice, inamin rin niya na single siya ngayon.

Malapit na din lumabas si Ivana sa kanyang pinakunang pagbibidahang teleserye, Ang Lihim ni Ligaya.