• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Kim Chiu, emosyonal na nagkwento tungkol sa shooting incident

PANOORIN: Kim Chiu, emosyonal na nagkwento tungkol sa shooting incident

Emosyonal na nagkwento ang aktres na si Kim Chiu tungkol sa shooting incident kung saan pinaulanan ng bala ang sinasakyan niyang van habang papunta sa isang taping umaga nitong Miyerkules.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/4/2020 6:09 PM
PANOORIN: Kim Chiu, emosyonal na nagkwento tungkol sa shooting incident


Emosyonal na nagkwento ang aktres na si Kim Chiu tungkol sa shooting incident kung saan pinaulanan ng bala ang sinasakyan niyang van habang papunta sa isang taping umaga nitong Miyerkules.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us. I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke. 6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact. I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?... I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po.

A post shared by Kim Chiu šŸŒø (@chinitaprincess) on

Ilang oras lamang matapos ang nasabing pamamaril, nagpaunlak ng ekslusibong panayam ang “Love Thy Woman” star sa ABS-CBN News upang balikan ang katakot-takot na insidente.

“Natutulog lang ako. Dapat magbabasa ako ng script pero inantok ako along the way palabas ng village so humiga ako. So kung hindi ako inantok, tinuloy ko 'yung pagbabasa ng script, siguro tinamaan na ako. Nagpaulan ng bala, eight bullets. Nakita ko 'yung isang bala nasa windshield nakapatong. I’m scared,” pag-amin ni Chiu.

Ayon kay Chiu, matapos magising sa sunod sunod na putok ng baril ay agad niyang kinamusta ang kasama niyang driver at personal assistant.

“Tinignan ko silang dalawa. ‘Okay ba kayo?’ Kasi 'yung driver ko, 'yung windshield niya, butas na ng bala. Sabi nila, ‘Okay kami’ Sabi nila, ‘Ikaw, okay ka ba?’ Sabi ko, ‘Okay naman ako.’ Tapos hanggang sa umupo ako, nakita ko 'yung mga baril na bilog-bilog sa bintana,” ani Chiu.

“Tumawag ako [sa ate ko] na binaril 'yung kotse ko. Ang dami kong tinawagan kasi hindi ko alam anong gagawin ko. Nasa loob ako ng sasakyan, ang daming pulis sa labas. May mga MMDA na. Hindi ko na alam. After that, nag-hang ako,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng kanyang traumatic experience, naisip pa rin umano ni Chiu na tumuloy sa set ng “Love Thy Woman” at mag-shoot ng ilang eksena.

“Nag-take ako ng dalawang eksena. Siguro adrenaline rush na mag-taping tayo, magtrabaho tayo. People are asking me kung kumusta ako. Hindi ko alam. Tinatanong nila kung kumusta ka. Naisip ko, ‘Oo nga no? Kumusta pala ako.’ Natatakot lang ako why those things are happening,” paliwanag niya.

Idiniin naman ni Chiu na wala siyang naiisip na nakasamaan ng loob upang may magtanga sa kanyang buhay.

“Diyos ko, ako pa ba? Wala [akong nakasamaan ng loob]. Ang masasabi ko na lang, life is really precious. Kahit wala kang sakit, wala kang kasamaan ng loob. Kung natamaan ka ng balang iyon, siguro wala ka na,” aniya.

Nagpasalamat din ang 29-year-old sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at fans na nagpaabot ng kanilang mga dasal para sa kanyang kaligtasan.

“I am very happy and very thankful na more than 100 messages 'yung natanggap ko. 'Yung cellphone ko endless 'yung tawag. Safe naman ako. Nagpapasalamat ako dahil nag-alala sila para sa akin. Sana makita na kung sino ang bumaril sa kotse ko,” patuloy niya.

Panoorin ang buong panayam ditto:

Sa ngayon ay ini-imbestigahan pa rin ng Quezon City Police District ang kaso upang matukoy ang motibo ng pamamaril at kung sino ang mga nasa likod nito