• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee masaya sa pagpili kay Alexa Ilacad bilang ‘Bobbie’ ng ‘Four Sisters And A Wedding’ prequel

Enchong Dee masaya sa pagpili kay Alexa Ilacad bilang ‘Bobbie’ ng ‘Four Sisters And A Wedding’ prequel

‘I’m very happy for her,’ masayang kinong-gratulate ni Enchong Dee si Alexa Ilacad matapos nitong makuha ang role na Bobbie para sa Four Sisters And A Wedding prequel.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

3/4/2020 11:38 AM
Enchong Dee masaya sa pagpili kay Alexa Ilacad bilang ‘Bobbie’ ng ‘Four Sisters And A Wedding’ prequel


Masayang kinong-gratulate ni Enchong Dee ang kanyang kapwa Star Magic artist na si Alexa Ilacad, matapos mabalitaan na nakuha nito ang pagganap sa iconic role na Bobbie sa Four Sisters And A Wedding movie prequel.

Sa interview kay Enchong matapos ang story conference para sa bagong pelikula, nagbigay siya ng reaksyon matapos mabalitaan ang naturang prequel movie ng kinabilangang pelikula. "Panoorin ko na lang muna bago ako magka-react, kasi malapit sa akin yung proyektong yun e. Hindi ko pa alam kung anong kalalabasan.

"Congratulations for them, lalo na kay Alexa. Alam kong masaya siya sa project na 'yon lalo na yung gagampanan niya si Bea (Alonzo), so I'm very happy for her," pahayag ng aktor.

Alexa Ilacad: 'Sana po maka-love team ko na si Enchong Dee'

Gumanap Rebreb o CJ, ang bunsong anak sa pamilya Salazar, si Enchong sa orihinal pelikula. Sa ngayon, nasa proseso pa ng pagpili kung sino ang gaganap na batang Rebreb, ayon sa huling panayam sa direktor ng prequel movie.

‘Four Sisters And A Wedding’ prequel, tatalakayin ang kwento ng magkakapatid ‘10 years before’

Ang bagong production arm ng Star Cinema na SCX ang gagawa ng prequel movie na may title na  Four Sisters Before The Wedding. Sa ilalim ng direksyon ni Giselle Andres, (ang assistant director ng naunang pelikula) bubuo sa main cast bilang magkakapatid na Salazar sina Alexa Ilacad, Charlie Dizon, Gillian Vicencio, at Belle Mariano.