Ipinaliwanag ng It's Showtime host na si Ryan Bang ang sarili sa naging komento niya sa Instagram live ng Red Velvet member na si Bae Joo-hyun o kilala ring Irene.
Sa kaniyang tweet nitong Linggo, March 29, sinabi ni Ryan na ikinalungkot niya ang pagbibigay ng ibang kahuluguhan ng ilang netizens sa kaniyang komento sa IG live ni Irene.
"Nakakalungkot po yung ibang tao akala nila iba pang meaning sa comment at tweet ko. Sobra pong bait niya sa akin at noong nagkausap ko siya naramdaman ko mahal niya ang Philippines kaya po ako naging isang fan niya! Kaya sana wag niyo po isipin ibang meaning kasi wala po talaga!" ayon sa tweet ng noontime show host.
Dagdag niya, wala siyang intensyong na makasakit sa mga ginamit niyang salita, "I just want to say that there was no intent on my part to offend anyone, but if I did, I am truly very sorry. Humihingi po ako ng pasensya sa lahat. Maraming salamat po! Please keep safe and healthy everyone!"
I just want to say that there was no intent on my part to offend anyone, but if i did, i am truly very sorry. Humihingi po ako ng pasensya sa lahat. Maraming salamat po! Please keep safe and healthy everyone!
— Ryan Bang (@ryanbang) March 30, 2020
Sa kaniyang kaarawan nitong Sabado, March 28, nag-live sa kaniyang Instagram si Irene para sa kaniyang mga fans. Dito rin nag-iwan si Ryan ng mga komento para sa Kpop idol tulad ng "Fudgee Bar", "Mamaya tawagan kita", "Wag kang magtampo", "Bc pa ako ngayon e" at iba pa. Isa rin sa mga naging isyu mula sa netizens ay ang komento ni Ryan na, "Masarap talaga".
Baka naman Ryan Bang is referring to the Fudge bar talaga, knowing him, he's not that Pinoy na as in fluent sa Tagalog, maybe the one who posted merong meaning kase irrelevant sa picture iyong caption then RB retweeted like masarap talaga iyong fudge bar referring to the caption+ pic.twitter.com/9eaGZhcRge
— NO NAME📝💜 (@firstly_joy) March 29, 2020
Mapapanood si Ryan sa It's Showtime bilang isa sa mga hosts kasama sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, at iba pa