• Home
  • Fresh Scoops
  • Hanggad ni Angel Locsin na maging maingat at alerto sa mga pekeng social media account na tila gumagamit sa kanyang pangalan.

‘Angel Locsin Staffed’ is not Angel Locsin, aktres nanawagan ng doble pag iingat sa mga fake accounts

Hanggad ni Angel Locsin na maging maingat at alerto sa mga pekeng social media account na tila gumagamit sa kanyang pangalan.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/30/2020 04:12 PM
‘Angel Locsin Staffed’ is not Angel Locsin, aktres nanawagan ng doble pag iingat sa mga fake accounts
Photo credit: @therealangellocsin IG and @123redangel Twitter Page

Sa gitna ng krisis ngayon na hinaharap ng bansa laban sa nakamamatay na sakit na novel corona virus o COVID-19, umalma ang aktres na si Angel Locsin sa tila hindi awtorisadong pag gamit sa kaniyang pangalan para makapamigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa isang tweet ni Angel, nilinaw niya na hindi siya ang “Angel Locsin Staffed” na kumakalat ngayon sa Facebook.

This is not me. Mag-ingat po,” tweet ng aktres kalakip ang screenshot ng Facebook page na gamit ang kanyang pangalan.


Ayon sa post ng nagpakilalang “Angel Locsin Staffed” mamimigay ito ng pera na halangang 1500 pesos o relief goods para sa mga nangangailan.

What do you want cash 1500 or relief goods? Maybe you have something important to buy, we will look for 150 person tomorrow and Palawan express to them to give money! Inbox is the answer, please follow our account! Thank you!” pahayag sa post.

Hindi malinaw kay Angel kung ano ang intensyon ng na sabing Facebook page, pero para sa dobleng pag-iingat sa mga ganitong pagkakataon, hanggad lang ng aktres na maging alerto ang marami sa mga hindi magandang gawain tulad nito.

Sa ngayon, patuloy ang pagtulong at pagkalinga ni Angel sa mga frontliners na lumalaban sa COVID-19.