• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ay matapos tanungin si Ogie Alcasid kung itutuloy niya pa ang kanyang plano na bigyan ng washing machine si Sarah Geronimo.

Ogie Alcasid, ibinahagi na may lilipatan nang bahay sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Ito ay matapos tanungin si Ogie Alcasid kung itutuloy niya pa ang kanyang plano na bigyan ng washing machine si Sarah Geronimo.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/03/2020 07:09 PM
Ogie Alcasid, ibinahagi na may lilipatan nang bahay sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
Photo credits: @ogiealcasid IG

Nitong Linggo, March 1, biniro ni Ogie Alcasid sa ASAP Natin ‘To na bibigyan niya si Sarah Geronimo ng washing machine.

“Gusto ka naming batiin Sarah Geronimo-Guidicelli. Gaya nang milyun-milyong nagmamahal sa’yo at ni Matteo, binabati ka namin ng best wishes at congratulations. At asahan mo sa lahat ng panahon, maaasahan mo kami ni Ate [Regine Velasquez-Alcasid]. At bilang regalo ko sa inyo, reregaluhan ko kayo ng washing machine.”

Sa naganap na presscon para sa kanyang papalapit na concert kasama si Ian Veneracion, naitanong kay Ogie kung itutuloy niya ang kanyang plano na bigyan ang Popstar Royalty ng washing machine.


Ayon kay Ogie, nang tanungin niya si Sarah tungkol dito ay agad itong sinagot ng singer na mayroon na sila.

“Tinanong ko siya meron na daw siya. Sabi ko wala ba talaga kayong washing machine? Sabi niya ‘meron na po kami,’” paliwanag ni Ogie.

Agad namang nilinaw ng OPM legend na ang washing machine ay kasama na sa lilipatang bahay nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

“Apparently, it was already provided for where they will live. Meron nang washing machine,” ayon kay Ogie.

Samantala, ibinahagi naman ni Ogie kung gaano siya kasaya para kay Sarah.

“We’re very happy for her. And it was very obvious na she was happy herself. She was so radiant that day. Kumbaga kulang ‘yung words and you could tell. Everybody that passes by her, they would say ‘We’re so happy for you. You deserve it.’ And I think it was just fitting na you know, we gave her a tribute,” saad ni Ogie.

Nagpasalamat naman si Ogie dahil hinayaan sila na ipagdiwang ang kanyang kasal sa ASAP Natin ‘To sa kabila ng pagiging pribado ni Sarah Geronimo.

“I think she really wants to downplay all these things because she’s a very private person. But nevertheless, she allowed us to greet her and celebrate with her. It was really moving. And at the same time, celebratory,” pagbabahagi ni Ogie.

Magaganap ang concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion na ‘Kilabotitos’ sa darating na March 20 at 21 sa Kia Theatre.