• Home
  • Fresh Scoops
  • Moira Dela Torre, ikinuwento ang 'surprise wedding' na ginawa niya para sa ina at tita

Moira Dela Torre, ikinuwento ang 'surprise wedding' na ginawa niya para sa ina at tita

Ibinahagi ni Moira Dela Torre ang sorpresang wedding na pinasimulan niya para sa ina at sa tita.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/3/2020 1:07 PM
Moira Dela Torre, ikinuwento ang 'surprise wedding' na ginawa niya para sa ina at tita


Photo Credit: Moira Dela Torre's Youtube Channel

Sa pagbisita ng Malaya singer na si Moira Dela Torre sa Magandang Buhay nitong Lunes, March 2, ibinahagi niya ang kuwento tungkol sa kamakailan na surprise wedding na pinasimulan niya para sa ina at tiyahin. 

Ayon sa singer, parehong hindi naranasan ng ina at tita niya ang mailakad ng ama (ng lolo niya) noong ikinasal ang mga ito. "Medyo nasaktan ako for them kasi hindi nila na-experience 'yun e. Kasi ang lolo ko sa States nagta-trabaho. At that time, he didn't have the means to go back for their weddings, so hindi niya nailakad. Although he really really wanted to," kuwento ni Moira sa mga momshie hosts. 

Wala man ang lola dahil namayapa noong 2017, itinuloy pa rin ni Moira ang planong sorpresa habang nasa Amerika sila at kumpleto ang pamilya. "I made sure na… I didn't want my parents to not experience what I went through. Kasi alam ko naman kung bakit ako nakatungtong sa ganitong buhay is dahil din sa kanila.

"So I planned a wedding. Yung mga wedding dress nila mga 1,000 pesos lang, ganyan. Tapos yung veil nila, 5 dollars lang. But na-surprise namin sila, and yung Youth Pastor po nila nung teenager pa sila, siya yung nag-officiate so nagulat din sila. And my lolo was very very happy. That's something that I'm very proud of. Because I came from that family and I made them happy," pagpapatuloy ni Moira.

Unang ibinahagi ni Moira ang naturang sorpresa sa kaniyang YouTube vlog. 

Samantala sa parehong episode ng morning talk show, sorpresa ring bumisita ang kaniyang kapatid na si J'mee Dela Torre. Ikinuwento ng nakababatang kapatid ang naging impluwensya ng music sa kaniya, tulad ng sa kaniyang ate. 

"'Yung family po kasi namin, we all love music. Lahat po kami singers, parang choir na nga rin po. Music po, personally, it helped me move on from things especially last year po. It kind of like comforted me. Music is my friend, I was going through something," pahayag ni J'mee.