• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong journey ngayon bilang isang recording artist ang tinatahak ngayon ng dancer-performer na si Ken San Jose.

Ken San Jose, ipinaliwanag ang pagiging malapit kay AC Bonifacio

Bagong journey ngayon bilang isang recording artist ang tinatahak ngayon ng dancer-performer na si Ken San Jose.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/03/2020 01:59 PM
Ken San Jose, ipinaliwanag ang pagiging malapit kay AC Bonifacio

Bagong journey ngayon bilang isang recording artist ang tinatahak ngayon ng dancer-performer na si Ken San Jose.

Si Ken ay isa sa mga naging contestant ng Kapamilya dance competition show na World of Dance Philippines.

https://youtu.be/XRvEVwWE_U8


Kahit na hindi napunta sa kanya ang top spot at pumangatlo sa competition, itinuloy pa rin ni Ken ang nasimulan na showbiz career at isa na ang pag launch ng kanyang panibagong single na “A Chance To Hold”.

Sa question and answer, naungkat ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ni AC Bonifacio na di naman ikinaila ang kanilang pagkakaibigan.

“She helped me to meet a lot of people... She helped me to find a lot of people in the dance community here. What people don’t know about our friendship is that she was able to help me internally during the time that I lost my father. She was the only one [who was there] for me because she’s the only person I knew,” sabi pa ni Ken.

Out now sa Spotify at iba pang digital platform ang “A Chance To Hold” single ni Ken.