Sam Milby, naka-self quarantine

Sumagot ang aktor sa mga nagtatanong kung anong kalagayan niya matapos mag-positibo sa COVID-19 ng kanyang 'Ang Sa Iyo Ay Akin' co-star Iza Calzado.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/29/2020 9:13 AM
Sam Milby, naka-self quarantine


Photo credit: @samuelmilby IG

Hindi napigilan ni Sam Milby na magpost sa kanyang Instagram matapos makumpirma na positibo sa COVID-19 ang kanyang "Ang Sa Iyo Ay Akin" co-star na si Iza Calzado.

Una ay humingi ng panalangin ang aktor para sa agarang pag galing ni Iza mula sa sakit. 

READ: Iza Calzado, nag-positibo sa COVID-19

"With so much happening around the world and in our nation right now, I know so many of us are fighting this seemingly overwhelming battle with prayer. Could I ask too, that you include my co actor @missizacalzado in your daily prayers as she has been in the hospital fighting the virus," sabi ni Sam sa kanyang post. 

Sinagot din si Sam ang mga tanong, kung kamusta ang kanyang kalagayan dahil na-expose siya kay Iza dahil sa kanilang mga eksena sa kanilang show. 

"Also thank you to everyone who has expressed concern for my health. I understand some articles have come out questioning my well-being but I'm healthy with no symptoms, nasa bahay lang doing self-quarantine."

Dagdag din ni Sam ay ipagdasal ang mga frontliiners, na itinataya ang sarili nilang buhay para sa ikakabubuti ng nakararami. 

"Let's keep praying for Iza, and for everyone na nagtest positive, their families who are anxious too, and to our health workers who are the most exposed and all of our other frontliners who are out there risking their health and lives para sa atin lahat," pagtatapos niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

With so much happening around the world and in our nation right now, I know so many of us are fighting this seemingly overwhelming battle with prayer. Could I ask too, that you include my co actor @missizacalzado in your daily prayers as she has been in the hospital fighting the virus. Also thank you to everyone who has expressed concern for my health. I understand some articles have come out questioning my well-being but I'm healthy with no symptoms, nasa bahay lang doing self-quarantine. Let's keep praying for Iza, and for everyone na nagtest positive, their families who are anxious too, and to our health workers who are the most exposed and all of our other frontliners who are out there risking their health and lives para sa atin lahat 🙏🏽 #PrayingForIza #GratitudeForTheFrontliners

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on

Si Sam ay gaganap na Gabriel, asawa ng character na si Ellice, na gagampanan naman ni Iza. Napostpone ang premiere ng "Ang Sa Iyo Ay Akin" dahil na din sa COVID-19 pandemic.