• Home
  • Fresh Scoops
  • The Parokya ni Edgar frontman joined Bayanihan Musikahan which aims to help the urban poor and frontliners affected by the COVID-19 crisis.

WATCH: Chito Miranda performs Parokya Ni Edgar songs for a cause

The Parokya ni Edgar frontman joined Bayanihan Musikahan which aims to help the urban poor and frontliners affected by the COVID-19 crisis.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/28/2020 11:28 AM
WATCH: Chito Miranda performs Parokya Ni Edgar songs for a cause

Noong March 26, isa si Chito Miranda sa mga celebrities na nakilahok sa Bayanihan Musikahan, na isang charitable cause na inilunsad para sa mga kapus-palad at frontliners na apektado ng COVID-19 pandemic. 

Sa kanyang Instagram post, unang nagpasalamat si Chito sa mga nanood ng kanyang set. Aminado ng Parokya Ni Edgar frontman na hindi siya sanay mag-perform ng solo at wala ang kanyang mga ka-banda. 

"Salamat sa lahat ng nanood kagabi ng set ko for #BayanihanMusikahan 😊👍🏻❤ Sobrang kabado talaga ako kasi 1st time ko tumugtog na wala yung mga kabanda ko, at di naman talaga ako magaling mag-gitara, pero sobrang enjoy naman kasi nakakatuwa yung mga comment ng mga nanood hehe!," kwento ni Chito. 


Pinerform ni Chito ang 'side B' songs ng PNE tulad ng "Muli," "Gising Na," "Sampip," at "Sorry Na." 

Nagpasalamat din si Chito sa mga nag-donate na para sa kanilang proyekto. Ibinalita din niya na 14 million pesos na ang nalikom ng Bayanihan Musikahan. 

"Salamat din sa lahat ng nag-donate! Sobrang salamat talaga! Jusko!

"As of last night, nakaka-14M na ang Bayanihan Musikahan, at malaking tulong ito para sa ating lahat.

"Your donations will be used to help keep the urban poor off the streets kasi mabibigyan sila ng enough supplies to last them for weeks, para di na nila kelangan lumabas araw-araw, and this will help slow down and lessen yung pagkalat ng virus.

"Gagamitin din yung donations para makatulong tayo sa ating mga frontliners. They really need our help pagdating sa supplies tulad ng masks and personal protection equipment.

"We need to help them out kasi they can't afford to lose this war...kundi yari tayong lahat.

Please visit Bayanihan Musikahan on Facebook kung trip nyo mag-donate.

Kahit P10 lang, malaking bagay na yun! Pramis!" sabi pa ng singer. 

Panoorin ang perfomance ni Chito dito: