• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naiwasan na umalma si Bela Padilla sa tila hindi magandang trato ng kawani ng Manila Police District.

‘Violence is not the answer’: Bela Padilla, may pakiusap sa mga kapulisan

Hindi naiwasan na umalma si Bela Padilla sa tila hindi magandang trato ng kawani ng Manila Police District.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/28/2020 02:43 PM
‘Violence is not the answer’: Bela Padilla,  may pakiusap sa mga kapulisan

Pang-unawa at mas mahabang pasensya pa ang hiling ng aktres na si Bela Padilla para sa mga kapulisan na ginagawa lamang din ang kanilang mga trabaho.

Sa tweet ng aktres, nakiusap siya na sa krisis na pinagdaraanan ngayon ng bansa, pang unawa at maayos na pakikipag-usap ang kailangan ng bawat isa.

“I understand that, madami po talagang pasaway. But violence is not the answer. It doesn’t only hurt physically but it also strips off a person’s dignity sa panahon ngayon LAHAT TAYO kelangan habaan ang pasensya,” aniya sa tweet.


 

 

Kasunod ito nang tila hindi naging magandang trato ng grupo ng Pulis na nagbabantay sa isang kalye sa Quiapo, Maynila nitong March 26.

Sa video ng ABS-CBN News na ni-retweet ng aktres makikita ang pagmumura at pananakot ng grupo ng mga Pulis na labis na ikinabahala ng aktres.

 

 

Maririnig sa video ang pananakot ng isang police chief ang bantang pagpaputok ng baril at pamamaril kung may magtangkang lumabas ng kanilang mga bahay

“Lahat ng lalabas nang wala sa oras, mababaril ****-ina niyo,” sambit ng Pulis sa video.

Sa naging ulat naman ng TV Patrol, kasalulukuyan na iniimbestigahan ng Manila Police District ang insidente na kinasasangkutan ng kanilang miyembro.

READ: Pulis-Maynila na 'minumura, pinapalo' ang mga lumalabas ng bahay iimbestigahan

Kasalukuyan na nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon upang maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit na novel corona virus o COVID-19.

Kabilang din si Bela sa mga aktibong tumutulong sa mga kababayang Pilipino na nawalan ng kanilang hanap-buhay dahil sa ipinapatupad na quarantine sa Luzon.