• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay ng update si Kim Chiu tungkol sa kaniyang kalagayan bilang naka-self-quarantine ang ilang Love Thy Woman cast.

‘Video-video call lang’: Kim Chiu at Xian Lim, paano nga ba ang set-up ngayong parehong naka-self-quarantine

Nagbigay ng update si Kim Chiu tungkol sa kaniyang kalagayan bilang naka-self-quarantine ang ilang Love Thy Woman cast.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/28/2020 03:27 PM
‘Video-video call lang’: Kim Chiu at Xian Lim, paano nga ba ang set-up ngayong parehong naka-self-quarantine

Na-interview ng mga momshie hosts ang Love Thy Woman lead actress na si Kim Chiu gamit ang live video conference na Zoom, para sa episode ng Magandang Buhay nitong Huwebes, March 26.

Sa interview kinamusta ng mga momshie hosts si Kim at ang kaniyang on-screen and off-screen partner na si Xian Lim, sa kabila ng kanilang self-quarantine.

"Video-video call lang, kasi naka-quarantine din kami sa Love Thy Woman cast, dahil nga kay Tito Bo (Christopher De Leon) na magaling na ngayon," update ni Kim.


Dagdag ng aktres, nasa ikalawang linggo na siyang naka-home quarantine simula nang balitang pag-positibo ng kapwa aktor sa serye. "And pang-14th day na namin. Okay naman ako, wala naman akong nararamdamang masama, nakapag-workout pa ako, at nakakapag-usap pa sa inyo," sabi niya.

Maaalalang pinag-self-quarantine ang mga cast members ng Love Thy Woman, matapos ibalita ang pagka-positibo sa COVID-19 ni Christopher noong March 18.

Kim Chiu donates sacks of rice to 500 families

Samantala, sa parehong episode din ng morning talk show, sinabayan ni Kim ang mga momshie hosts na subukan ang bagong dance craze ni Vice Ganda na Corona Ba-Bybe Na.

A week after van ambush, Kim Chiu says: ‘Tuloy ang buhay’

Habang nakatigil pansamatala ang taping at pagpapalabas ng Love Thy Woman, mapapanood naman sa Kapamilya Gold ang replay ng seryeng The Legal Wife at Walang Hanggan.