Sinagot ng comedienne-YouTuber na si Alex Gonzaga sa social media ang ilang mga paratang ng netizens tungkol sa kaniyang pamilya.
Mula sa nauna niyang tweet nitong Martes, March 24, na dasal ni Alex para sa mga lider at awtoridad na isantabi ang personal na interes, isang netizen ang nagsabing isama sa kaniyang dasal ang pamilya ng mga Marcos. Sinagot ng komedyante ang netizen at sinabing kilala lang at hindi "close" ang kaniyang pamilya sa mga Marcos.
Lord please touch all our leaders/authorities to use all our calamity funds for the people. In this time, wala na sana matempt magtago for personal interest. People are dying and sacrificing their lives. This is our prayer.
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) March 24, 2020
Sa hiwalay pang serye ng tweets ni Alex, sinagot niya ang isang netizen na nagsabing walang kwenta ang mga pulitikong inendorso niya. "(For your information), wala po ako inenrdorso kundi tatay ko at isang partylist," sagot ni Alex.
Isang sagot din ang binigay ni Alex sa isang pahayag ng netizen na inendorso at suportado daw niya diumano si Bong Go, matapos lumabas ang poster ng ngayong-senador sa music video ng kanta niyang “Chambe.” "Guerilla shoot po tawag dun. Mabilisan. Nung shinoot ko yun sa munisipyo nakasabit na yun. I cannot remove it because mabilisan ang shoot and wala ako sa position to do so. We tried to cover it but in a certain shot we can’t. Ibang shot napalitan na namin," paliwanag niya.
Isa si Alex sa mga celebrities na nagpahatid ng tulong sa mga apektado ng virus outbreak. Nitong Lunes namahagi siya ng mga relief goods bilang tulong sa mga nangangailangan.
Thank you to the people risking their own health to help us distribute our small relief goods for our kababayans. Sana makatulong ito kahit paano sa mga mabibigyan 🙏🏼 pic.twitter.com/WSfmNI0zkP
— Alex Gonzaga (@Mscathygonzaga) March 23, 2020
Kilala ang ama ni Alex na si Carlito 'Bonoy' Gonzaga bilang dating vice-mayor ng lungsod ng Taytay. Magkasama ang magkapatid na si Alex at Toni Gonzaga sa pag-endorso sa kanilang ama noong nakaraang halalan nang tumakbo ito bolang mayor, pero natalo ito sa kalabang kandidato na si Joric Gacula.