• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging Tiktok dance craze ang bagong kanta ni Vice Ganda na 'Corona Ba-Bye Na'.

Vice Ganda song na 'Corona Ba-Bye Na', naging Tiktok dance craze

Naging Tiktok dance craze ang bagong kanta ni Vice Ganda na 'Corona Ba-Bye Na'.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/26/2020 01:10 PM
Vice Ganda song na 'Corona Ba-Bye Na', naging Tiktok dance craze

Patok ngayon sa Tiktok ang bagong kanta ni Unkabogable star Vice Ganda na “Corona Ba-Bye Na.”

Matapos unang ilabas sa naganap na Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN nitong Linggo, March 22, isa-isa nang gumawa ng kani-kanilang dance video ang mga netizens sa Tiktok gamit ang naturang kanta na tungkol sa COVID-19 o corona virus.

Narito ang ilan:


Sa hiwalay na tweet din ni Vice ay hinamon niya ang mga kapwa It's Showtime hosts sa Corona Ba-Bye Na dance challenge.

Panoorin ang buong music video dito:

READ: Vice Ganda, nagdonate para sa frontliners na lumalaban sa sakit na COVID-19

Samantala, isa si Vice Ganda sa mga celebrities na nagpaabot ng tulong para sa mga apektado ng virus outbreak. Nag-donate ang komedyante ng mga supplies ng N95 masks, medical disposable gloves, goggles, alcohol, at disinfectant spray, sa apat na magkakaibang ospital sa Metro Manila.