Stage and Character actor Menggie Cobarrubias, pumanaw na

Pumanaw sa sakit na pneumonia ang aktor na si Menggie Cobarrubias.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/26/2020 10:33 AM
Stage and Character actor Menggie Cobarrubias, pumanaw na


Photo credit: CinemaBravo FB Page

Isang malungkot balita para sa mga kaibigan at mga nagmamahal sa biglang pagpanaw ng character actor na si Menggie Cobarrubias.

Ayon sa Facebook post ng isa sa mga malapit na kaibigan at kasama sa industriya ng character actor na si Armand Reyes, kinompirma ng direktor na si Joel Lamangan ang malungkot na balita.

Sa personal na Facebook account ng aktor, nagawa nitong mag post ng tila kanyang huling pamamaalam.

Namatay ang aktor ngayong umaga, March 26, sa Asian Hospital sa Alabang. Ayon sa balita ng CinemaBravo, inaantay pa ng kanyang pamilya ang resulta ng kanyang COVID-19 test. 

Si Menggie ay aktibo bilang rin bilang stage actor at napanood din sa ilang TV shows tulad ng "Killer Bride" ng ABS-CBN. Nakagawa din ng maraming pelikula si Menggie tulad ng "Finding You", "Eerie", "Maledicto", at "Signal Rock."