• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘It’s Showtime’, balik-live sa gitna ng krisis sa COVID-19

‘It’s Showtime’, balik-live sa gitna ng krisis sa COVID-19

Pansamantalang nagbalik-live ang “It’s Showtime” family sa gitna ng extensive community quarantine sa Luzon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/26/2020 4:57 PM
‘It’s Showtime’, balik-live sa gitna ng krisis sa COVID-19


Time-out muna sa replay ang Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” nitong Huwebes, March 26.

Kasunod ito nang halos dalawang-lingong pagtigil oprasyon ng live shows ng Kapamilya network at ibang TV stations bilang pagsunod sa extensive community quarantine ng pamahalaan na unang hakbang sa pag-iingat sa pagkalat ng nakamamatay na sakit na COVID-19.

Sa pamamagitan ng live video chat, muling nagsama-sama ang It’s Showtime host na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Amy Perez, Karylle, Jugs and Teddy, Ryan Bang at si Anne Curtis na kasalukuyan ngayong nasa Australia.

Sa live na kuwetuhan sa video chat, muling narinig ng madlang people sa mga tahanan ang opening song ng “It’s Showtime” matapos ang sampung araw na replays ng Kapamilya noontime show.

Kasabay ng pansamantalang pagbabalik live ng “Showtime” ang paglulunsad ng bagong dance craze na “Corona Ba-Bye Na” na awiting ginawa ni Vice Ganda sa gitna na ipinapatupad na 30 days extensive home quarantine sa Luzon.

Ito rin ang naisip na paraan ng "Showtime" na makakatulong sa madlang people upang maalis ang inip, lungkot at pangamba sa kanilang pananatili sa kanilang mga tahanan.

 

Sa ngayon, kanya-kanya ng paandar sa kanilang “Corona Ba-Bye Na” entry ang netizen at maaring mag uwi ng 15 thousand pesos.

Inaasahan na sa April 13 Lunes, magbabalik sa normal ang operasyon ng Kapamilya network at inaasahan na rin ang pagbabalik ng “It’s Showtime”.