Hindi ikinatuwa ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang kumakalat na isyu sa social media tungkol sa VIP testing di-umano ng mga pulitiko, sa gitna ng COVID-19 outbreak.
Sa kaniyang Twitter account, ni-retweet ng aktres ang post ng ABS-CBN News reporter na si Chiara Zambrano tungkol sa hinaing ng isang medical doctor na itigil ang pagpa-prayoridad sa mga pulitiko at mga kamag-anak nito sa COVID testings.
"Muling nakikiusap ang mga doktor. Magsitigil na kayo. Hindi lang buhay niyo ang mahalaga. Pero dapat matagal niyo nang alam yan, diba. #COVID19PH," ayon sa orihinal na tweet ng news reporter.
Muling nakikiusap ang mga doktor.
— Chiara Zambrano (@chiarazambrano) March 21, 2020
Magsitigil na kayo.
Hindi lang buhay niyo ang mahalaga.
Pero dapat matagal niyo nang alam yan, diba. #COVID19PH pic.twitter.com/1mhqe1bcbV
"Wag naman po sanang ganito. Sana pwedeng ma-disclose kung sinu-sino ang mga ito," pahayag ni Jodi.
Wag naman po sanang ganito.
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) March 21, 2020
Sana pwedeng ma-disclose kung sinu-sino ang mga ito. https://t.co/Jns8bKcFz9
Maraming netizens ang kinukundena ang naturang VIP testings na ito dahil sa limitadong bilang ng mga test kits, at hindi sapat na suportang medikal ng gobyerno para sa lahat ng mamamayan sa mga lungsod sa Luzon.
Samantala, sa kaniyang social media din ay bukas na sumusuporta si Jodi para matulungunan ang mga matatanda o lolo't-lola sa gitna ng krisis ngayon.
"Isa sa mga pinaka high-risk sa COVID-19 ang ating mga lolo’t lola. Kaya’t kailangang malakas ang kanilang resistensiya at huwag na munang lumabas ng bahay. The office of Senator Risa Hontiveros and the Coalition of Services of the Elderly (COSE) will distribute immunopacks to our senior citizens. They will purchase vitamins, milk, food supplies, face masks, etc. They need our help," ayon sa hiwalay niyang tweet.
Isa sa mga pinaka high-risk sa COVID-19 ang ating mga lolo’t lola. Kaya’t kailangang malakas ang kanilang resistensiya at huwag na munang lumabas ng bahay.
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) March 22, 2020
The office of Senator Risa Hontiveros and the Coalition of Services of the Elderly (COSE) will distribute immunopacks
Isa si Jodi sa mga bibida sa inaabangang serye sa Kapamilya Network na Ang Sa Iyo Ay Akin. Sa ngayon, wala pang update kung kailan ito magsisimulang ipalabas