• Home
  • Fresh Scoops
  • TINGNAN: Kris Aquino, nag-donate ng bigas para sa mga tricycle drivers ng Puerto Galera

TINGNAN: Kris Aquino, nag-donate ng bigas para sa mga tricycle drivers ng Puerto Galera

Nagbigay ng donasyon ang aktres na si Kris Aquino para sa mga tricycle drivers ng Puerto Galera kung saan siya kasalukuyang namamalagi kasama ang kanyang mga anak dahil sa umiiral na lockdown sa buong Luzon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/24/2020 5:41 PM
TINGNAN: Kris Aquino, nag-donate ng bigas para sa mga tricycle drivers ng Puerto Galera


Photo credit: @krisaquino on Instagram

Nagbigay ng donasyon ang aktres na si Kris Aquino para sa mga tricycle drivers ng Puerto Galera kung saan siya kasalukuyang namamalagi kasama ang kanyang mga anak dahil sa umiiral na lockdown sa buong Luzon.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kris na nag-donate siya ng 25 sako ng bigas sa local government unit ng Puerto Galera upang ipamahagi sa mga tricycle drivers na apektado ng pagsuspende ng public transporation dahil sa enhanced community quarantine.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

i am posting this hindi para magpa bida- kasi konti lang ito, dapat 100 sacks of rice pero malayo ako & hindi maka withdraw ng mas malaki because more than 1 hour away yung mga bangko where i have accounts kaya umaasa muna sa ATM ... this is the time na yung mas na bless financially, sana gumawa ng paraan na tulungan ang mga mas nangangailangan sa abot ng makakaya... magdamayan tayo ngayon dahil LABAN nating lahat ang #covid_19... hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil yung daily wage earners hindi makapagtrabaho. 😢 P.S. NAGAWAN na po ng PARAAN to make it 25 na KABAN ng BIGAS kasi nalaman ko kung gaano karami ang umaasa sa tulong na mabibigay ng LGU ng Puerto Galera.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

 

"I am posting this hindi para magpa bida. Kasi konti lang ito, dapat 100 sacks of rice pero malayo ako and hindi maka withdraw ng mas malaki because more than 1 hour away yung mga bangko where I have accounts kaya umaasa muna sa ATM," ani Kris.

Hinikayat naman ng dating TV host ang mga katulad niyang may kakayahang tumulong na "gumawa ng paraan [upang] tulungan ang mga mas nangangailangan sa abot ng [kanilang] makakaya."

"Magdamayan tayo ngayon dahil LABAN nating lahat ang COVID-19. Hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil 'yung daily wage earners hindi makapagtrabaho," dagdag pa niya.

Ang enhanced community quarantine ay ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa. Sa ngayon, nasa 501 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa. 33 na ang pumanaw, habang 19 naman ang naka-recover.