• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling ipalalabas sa Kapamilya Gold ang pinaka-unang serye ng tambalang Coco Martin at Julia Montes o CocoJul, na ‘Walang Hanggan.’

THROWBACK: Mga larawan ng tambalang Julia Montes at Coco Martin sa ‘Walang Hanggan’

Muling ipalalabas sa Kapamilya Gold ang pinaka-unang serye ng tambalang Coco Martin at Julia Montes o CocoJul, na ‘Walang Hanggan.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/23/2020 11:45 AM
THROWBACK: Mga larawan ng tambalang Julia Montes at Coco Martin sa ‘Walang Hanggan’
Photo credit: @montesjulia08 IG

Binalikan ng nagbabalik-telebisyon na si Julia Montes ang unang teleserye kasama ang kaniyang dating ka-tambal na si Coco Martin. Sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, March 22, ibinahagi ng aktres ang ilang throwback photos nila ni Coco para sa seryeng Walang Hanggan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Walang Hanggan bukas na after It's showtime

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on


Mapapanood ang replay ng teleserye sa Kapamilya Gold simula Lunes, March 23, pagkatapos ng It's Showtime. Ito ay gawa ng malawakang quarantine sa buong Luzon na nagpatigil din sa mga taping ng mga teleserye tulad ng Love Thy Woman.

Ang Walang Hanggan ay unang ipinalabas sa Kapamilya Network noong 2012. Hango ito sa classic film noong 1991 na Hihintayin Kita Sa Langit, na ginampanan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.