• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbabalik sa Kapamilya Gold at Primetime Bida ang dalawang iconic characters ni Maja Salvador -- sina Nicole Esquivel ng The Legal Wife at Ivy Aguas/Lili Cruz ng Wildflower.

Iconic characters ni Maja Salvador, mapapanood muli sa telebisyon

Nagbabalik sa Kapamilya Gold at Primetime Bida ang dalawang iconic characters ni Maja Salvador -- sina Nicole Esquivel ng The Legal Wife at Ivy Aguas/Lili Cruz ng Wildflower.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/22/2020 08:36 PM
Iconic characters ni Maja Salvador, mapapanood muli sa telebisyon

Nagbabalik telebisyon ang dalawa sa mga iconic roles ng Kapamilya actress na si Maja Salvador na sina Nicole Esquivel at Ivy Aguas/Lily Cruz.

Muling ipalalabas sa Kapamilya Gold ang dati nang kinainisang karakter ni Maja na si Nicole Esquivel ng The Legal Wife, na unang napanood noong 2014. Si Nicole ang naging karibal ng karakter ni Angel Locsin na si Monica Santiago-De Villa, ang asawa ng karakter ni Jericho Rosales, Adrian De Villa.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#TheLegalWife returns tomorrow, 3:25PM! It’s an affair you should never miss! 🔥

A post shared by STAR CREATIVES TV (@starcreativestv) on

 

Mapapanood ang The Legal Wife simula Lunes, March 23, tuwing 3:25 nang hapon.

Samantala, isa pang natatanganging pagganap ni Maja ang mapapanood simula Lunes. Muling ipalalabas ang award-winning TV series na Wildflower sa Primetime Bida, pagkatapos ng On The Wings Of Love.

 

 

Maaalalang nagkamit si Maja ng mga parangal ang pagganap sa naturang serye; Best Actress sa Asian Academy Creative Awards (National) noong 2018, at 1st Asia Contents Awards 2019 na ginanap sa South Korea.

Unang ipinalabas ang Wildflower noong 2017 at tumagal anf show nang halos isang taon sa telebisyon.