• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina, nasaktan sa komento ng netizen sa pagsusuot niya at ng baby niya ng face mask

Ara Mina, nasaktan sa komento ng netizen sa pagsusuot niya at ng baby niya ng face mask

Ekslusibong ikinuwento ni Ara Mina sa PUSH kung bakit siya napilitan pag-usapan ang kanyang charity work.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/22/2020 12:28 PM
Ara Mina, nasaktan sa komento ng netizen sa pagsusuot niya at ng baby niya ng face mask


Photo credit: @therealaramina on Instagram

Hindi napigilan ni Ara Mina na mag-react sa comment ng isang netizen sa kanyang Instagram account tungkol sa pagsusuot niya at ng kanyang anak na si Amanda Gabrielle ng face mask.

Tila hindi nagustuhan ng netizen ang caption ni Ara sa picture nilang mag-ina na “Strike a pose with my daughter @myamandagabrielle. Our fashion lately. Praying for everyone’s safety. We can fight this. God is with us”

Post ng netizen na si @titac_319: "d nyo naman kailangan ang mask kung nasa bahay lang kayo. please be sensitive, maraming health workers ang walang masks. huwag nyo na silang inggitin.”

Kaagad naman itong sinagot ng aktres ng: “DI PO KAMI NANG IINGGIT ATE. GALING PO KAMI SA LABAS NG BAHAY NAMIN NG ANAK KO NAGLAKAD LAKAD SANDALI. BAWAL PO BA MAGMASK SA LABAS? WE DECIDED TO HAVE A PICTURE INSIDE THE HOUSE KASI MADILIM SA LABAS. SANA PO WAG PO TAYO BASTA MAGJUDGE. AND DON’T TELL ME TO BE SENSITIVE BEC I’M SENSITIVE ENOUGH AND FYI NAGDONATE PO AKO NG MGA MASKS SA FRONTLINERS BAKA DI NYO LANG PO ALAM. PINAPAALAM KO NA PO SA INYO. KASI DI PO LAHAT NG MGA BAGAY NA NAGAGAWA NAMIN E NAMEMEDIA OR NAPAPAMEDIA. MARAMING SALAMAT PO!”

Dagdag pa ni Ara, “Si @heartandsoulphilippines PO MAKAKAPAGPATUNAY NA NAGDONATE PO AKO NG MASKS JUST IN CASE NA HINDI KAYO NANINIWALA. WAG PO KAYO BASTA BASTA NAGJAJUDGE NGA TAO. AND DI NAMAN MASAMA SIGURO MAGTIRA AKO NG MASK PARA SA AMIN NG ANAK KO.”

Sa chat namin ni Ara ay sinabi nitong wala sana siyang balak ipaalam ang pagdo-donate niya ng face masks sa Malolos, Bulacan pero napilitan siyang banggitin ito para na rin maipabatid na tumutulong siya sa mga frontliners kahit sa maliit na paraan.

Post ng @heartandsoulphilippines: “Awwww that's too harsh. People nowadays talaga. FYI I’m one of the healthworker na nabigyan ng mask for our hospital in Bulacan. Miss Ara Mina sent 1000 pieces of masks for all of us. She is not even residing or from Bulacan but she still gives and sensitive enough to share her blessings. Let all the people have mask, lahat po tayo vulnerable sa sakit. Let Ara Mina's Family wear it.”

Ipinagtanggol din si Ara ng ibang netizens sa pamba-bash sa kanya.

Sey ni @ohhlala_bella: “Sa sitwasyon ngyon LAHAT need protektahan ang sarili, walang mayaman or mahirap, artista man or hindi kelangan din mag ingat. Tama lang po Ms. Aramina na iprotect nyo sarili nyo at baby nyo, don't mind na lang po those small brain pipol.”

Mula naman kay @shawie_0126: “Masyado naman sila maka judge.... wag kasi lagi umasa sa tulong ng iba dapat kahit konti May ipon kayo para in case of emergency meron kayo. Lesson sa lahat ng pinoy na dapat mag ipon kahit konti JUST SAYING... Ingat nalang tayo lahat.”

From @azenetharroyo16: “Don't mind this people po. Alam ng Diyos nasa puso, mga kabutihan ginagawa mo. God will bless you more po.”

Hirit naman ni @i_man_sheikhfer: “Hindi po sila nang iinggit pinapakita lng nila na sa loob at labas ng hauz nakamask sila para safe dba,kaya dOn't judge po.pray nalang naten mawala na ang virus na yan.”

From @ohhlala_bella: “Sa sitwasyon ngyon LAHAT need protektahan ang sarili, walang mayaman or mahirap, artista man or hindi kelangan din mag ingat. Tama lang po Ms. Aramina na iprotect nyo sarili nyo at baby nyo, don't mind na lang po those small brain pipol.”

Sa bandang huli ay humingi rin ng apology ang netizen na nag-bash kay Ara.

Aniya, “sorry that I misjudged you. But times like this, when front liners are dying due to lack of protective gears, it becomes very personal. Again, my apologies.”

Tinanggap naman ni Ara ang apology ng kanyang follower. Ayon sa aktres, naiintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang follower dahil sa sitwasyong pinagdadaanan ngayon ng bansa dahil sa COVID-19 crisis.