• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, nagdonate para sa frontliners na lumalaban sa sakit na COVID-19

Vice Ganda, nagdonate para sa frontliners na lumalaban sa sakit na COVID-19

Ibinahagi ng It's Showtime host ang kanyang donasyon na medical supplies para sa medical staff ng ilang ospital sa Metro Manila.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/21/2020 9:49 AM
Vice Ganda, nagdonate para sa frontliners na lumalaban sa sakit na COVID-19


Photo credit: @praybeytbenjamin IG

Marami nang celebrities ang gumagawa ng efforts para makatulong sa frontliners ng kasalukuyang COVID-19 pandemic at isa na dito ang It's Showtime host na si Vice Ganda. 

Sa kanyang Instagram post kahapon, March 20, ibinahagi ni Vice na inumpisahan na niyang mamahagi ng medical supplies tulad ng N95 masks, medical disposable gloves, googles, alcohol, at disinfectant spray sa Lung Center of the Philippines, QC General Hospital, San Lazaro Hospital at Philippine Children Medical Center. 

Kasama sa post ni Vice ang pagpapasalamat nito sa mga frontliners sa kanilang patuloy na pagkalinga sa mga maysakit. 

"Maraming, maraming salamat po sa lahat ng frontliners, para sa pagmamahal at kalinga ninyo sa madlang people!!! Mabuhay po kayo! Pagpalain ng Diyos ang inyong kabayanihan. Thank you Team Vice at sa lahat ng mga suppliers!" sabi pa ng komedyante. 

 

 

Sa isa pang post ni Vice, sinabi din nito na ang kanyang kompanyang Vice Cosmetics, ay nagbigay ng financial assistance sa 400 employees at staff nito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

GANDAng announcement

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on