• Home
  • Fresh Scoops
  • “I can’t wait till the virus dies down so I can wear my wedding dress and have my dad walk down the aisle,” pahayag ni Jinri Park na tumuloy sa pagpunta ng simbahan kasama ang fiance sa kanilang weddi

Tuloy ang kasal! Jinri Park at fiance, ipinagpatuloy ang na-postpone na church wedding

“I can’t wait till the virus dies down so I can wear my wedding dress and have my dad walk down the aisle,” pahayag ni Jinri Park na tumuloy sa pagpunta ng simbahan kasama ang fiance sa kanilang weddi

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/21/2020 04:00 PM
Tuloy ang kasal! Jinri Park at fiance, ipinagpatuloy ang na-postpone na church wedding
Photo credit: @jinri_88 on Instagram

Matapos inanunsyo na ipagpapaliban ang kanilang kasal dahil sa virus outbreak, ipinagpatuloy pa rin ng Pinoy Big Brother Lucky 7 alumna na si Jinri Park at ng kaniyang fiance na si John ang pagpunta sa simbahan sa kanilang wedding day.

READ: Jinri Park and Rachel Peters postpone their weddings due to COVID-19

Sa Instagram post ni Jinri nitong Sabado, March 21, ibinahagi ni Jinri ang mga larawan sa kanilang church wedding sa Sydney, Australia. Ayon sa kaniya, nagpunta pa rin sila ni John sa simbahan at pinirmahan ang mga dokumento para maisapa-legal ang kasal.


"Today was our wedding day but due to the virus we decided to postpone it. We still went to the church to legally signed the registry and got married. The weather was perfect and we had John's family there to witness ❤️ I can’t wait till the virus dies down so I can wear my wedding dress and have my dad walk down the aisle 🙏🏻 stay safe and happy everyone! 3.21.2020 SWIPE➡️. 3.21 2 4EVER ❤️" ayon sa kaniyang caption.

 

 

Maaalalang nitong December 2019 ay nagkaroon din ng Korean wedding ceremony ang dalawa kung saan ay nakasama naman ang pamilya ni Jinri.

Noong July 2019 nang inanunsyo ng South Korean TV host ang kanilang engagement sa isang vlog post, kung saan ikinuwento niya na nakilala niya si John sa Australia kung saan ito nakabase.