• Home
  • Fresh Scoops
  • Spotted si John Lloyd Cruz sa birthday celebration ni Mon Confiado sa isang beach sa Cebu.

TINGNAN: John Lloyd Cruz, spotted sa isang beach sa Cebu

Spotted si John Lloyd Cruz sa birthday celebration ni Mon Confiado sa isang beach sa Cebu.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/21/2020 03:12 PM
TINGNAN: John Lloyd Cruz, spotted sa isang beach sa Cebu
Photo credit to Mon Confiado Facebook

Muling na-ispatan sa mga bagong larawan sa social media ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz. Nakita siya sa mga larawang ipinost ng kapwa aktor na si Mon Confiado habang nasa birthday celebration ito sa isang beach sa Cebu.

Sa Facebook ni Mon, makikita na kasama niya ang kaniyang pamilya at si John Lloyd na nagdiwang ng kaniyang kaarawan sa White Beach sa Saavedra Moalboal, Cebu.

READ: ‘We’re different people now’: Shaina Magdayao opens up about working with ex-boyfriend John Lloyd Cruz


Matapos ang halos tatlong taong pagtigil sa paggawa ng pelikula at serye, muling nakita ng fans sa big screen si John Lloyd nang bumida siya sa pelikulang Servando Magdamag at magkaroon ng appearance sa Culion movie nitong nakaraang Metro Manila Film Festival.

READ: Ellen Adarna, may pagsisisi nga ba sa naging relasyon kay John Lloyd Cruz?

READ: Did Ellen Adarna just announce her split from John Lloyd Cruz?

Usap-usapan din sa ngayon ang hindi pa nakukumpirmang hiwalayan daw di umano ni John Lloyd at Ellen Adarna, dahil sa ilang cryptic posts ng aktres sa social media.