• Home
  • Fresh Scoops
  • Inilabas ng mag-asawang Billy Crawford at Collen Garcia-Crawford ang kanilang YouTube Channel na pinangalanan nilang ‘The Crawfords’.

Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia-Crawford, may sarili nang YouTube Channel

Inilabas ng mag-asawang Billy Crawford at Collen Garcia-Crawford ang kanilang YouTube Channel na pinangalanan nilang ‘The Crawfords’.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/21/2020 12:54 PM
Mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia-Crawford, may sarili nang YouTube Channel
Photo credit to The Crawfords Facebook

Nagbukas na rin ng kanilang sariling YouTube channel ang mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia-Crawford, na pinangalanan nilang The Crawfords. Sa kanilang paunang video, nagbigay ang mag-asawa ng maikling pasilip sa mga maaaring abangang vlog sa kanilang channel.

Naka-post nitong Biyernes, March 20, nakasulat sa kanilang description, "We’ve always loved to take photos and videos, especially during our trips, just for the memories. And now, we want to share some of that with you! This is just us being ourselves.  ️ Expect full videos in the coming weeks: from traveling to food, pets, family, daily life, and pretty much everything we get to enjoy together!"


Bukod sa mag-asawang Crawfords, ngayong taon din ay sinimulan ng ilang kapwa Kapamlya celebrities ang kanilang YouTube channel sina Kathryn Bernardo at Enrique Gil.