• Home
  • Fresh Scoops
  • Singer-songwriter Kara Madrid handang sumabak sa pagpapaseksi sa pelikula

Singer-songwriter Kara Madrid handang sumabak sa pagpapaseksi sa pelikula

Kara Madrid, handa na mag-focus sa acting career niya ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/20/2020 12:00 PM
Singer-songwriter Kara Madrid handang sumabak sa pagpapaseksi sa pelikula


Handa nang sumabak sa sexy roles sa pelikula ang singer-songwriter na contract star ng Viva na si Kara Madrid na kilala noon as Kara Mitzki.

“Why not? Kung yon po ang mag-o-open ng door sa akin bilang artista, gagawin ko,” mapangahas na simula ng dalaga sa PUSH.

Hindi rin daw siya magse-set ng limitasyon sa pagiging daring kung talagang kakailanganin ito sa eksena at sa pelikula.

Aniya, “Mapapag-usapan naman namin yon ng director. Susunod lang ako sa ipapagawa niya as long as hindi naman ako mababastos. Kung sa ikagaganda yon ng pelikula, why not?”

Two years ago nang ipakilala si Kara bilang calendar girl ng isang brand ng alak at pinag-usapan din naman. Kaya lang, hindi agad na-take-off ang kanyang career bilang singer kaya tina-try niya naman ngayon ang pag-arte.

“Medyo na-ano na nga ako before. Parang nawalan na talaga ako ng gana, actually hindi naman gana kasi yung passion ko nando’n talaga, pero na-realize ko na hindi po pala ganun yon kadali. I started really quick pero hindi po madaling i-maintain – ang hirap.

“Na-disappoint ako kaya ngayon, acting na talaga ko. Gusto ko na talagang mag-pokus sa acting,” pagtatapat niya.

Huling napanood si Kara sa 2019 Metro Manila Film Festival entry ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier pero lumabas na parang extra lang daw siya sa pelikula dahil na-edit-out ang kanyang mga eksena.

Natatawa niyang kuwento, “Ang role ko do’n, ako yung girl na pinagselosan ni Elisse (Joson) kay Jameson (Blake). Pag labas nung movie, parang dumaan lang, ​huwag kang kukurap! Haha! Pero whole day kami nag-shoot. Natatawa yung yaya ko kasi kasama ko siyang nanood.”

Excited pa naman daw siya sa syuting niya noon ng pelikula ni Vice.

“Sabi ko, first MMFF ko yon. Tapos pag labas sa ano, nagulat ako. Close up naman po ako kaya lang... Hahaha!” dagdag niyang kuwento.

Si Kara na kino-co-manage ni Aster Amoyo sa Viva ay regular na napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Lieutenant Serena Mendoza. Kasama rin siya sa sexy comedy film na Isla with Nino Muhlach bilang secretary ng aktor.